Cristine Reyes at Xian Lim, hindi isyu na second choice bilang mga bida ng Untrue

by Jojo Gabinete
Feb 3, 2020
Cristine Reyes at Xian Lim, sumalo sa supposed reunion movie nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez.
PHOTO/S: @viva_films Instagram

Aminado sina Cristine Reyes at Xian Lim na "untrue" ang impormasyong sila ang original choice bilang mga bida ng pelikulang Untrue.

Sa simula pa lang, alam nilang nakalaan sana sa ibang mga artista ang movie project, na kinunan ang mga eksena sa Tbilsi, Georgia.

Si Sigrid Andrea Bernardo ang direktor ng pelikula.

Reunion movie dapat ito ng ex-lovers na sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez, pero hindi natuloy ang kanilang pagsasama.

Ito ay dahil pinili ni Claudine na magpa-release mula sa exclusive contract niya sa Viva bago pa nagsimula ang shooting.

Pero kahit second choice sila bilang lead stars ng Untrue, tinanggap agad nina Cristine at Xian ang project dahil nagandahan sila sa kuwentong isinulat ni Sigrid.

Sabi ni Cristine: "Actually, nung tinanggap ko yung pelikula, tinanggap ko po siya dahil maganda talaga, and sinabi ko na ito yung matagal ko nang hinihintay na project.

"Seryoso ako talaga rito, kaya sabi ni Xian, game face ako palagi sa shoot kasi gustung-gusto ko talaga siya gawin.

Continue reading below ↓

"And siguro, thank God, masasabi ko na ibinigay Niya sa akin itong project na 'to kasi hindi ko ito makukuha kung hindi dahil sa Kanya."

Naniniwala rin daw si Cristine na "must-see" ang pelikula lalo na't ito ang unang pagkakataong nagkatambal sila ni Xian.

Hindi nabanggit ni Xian ang pangalan ni Mark Anthony, pero inamin niyang second choice siya bilang lead actor ng Untrue.

"It was intended for another actor, a much older actor, kaya kinailangan na medyo magkaroon ng transformation," ani Xian.

Kaya raw sinadya ni Xian na magdagdag ng 25 pounds sa timbang niya para maging credible siya sa role na ipinagkatiwala sa kanya ni Sigrid.

Unang ipinalabas ang Untrue sa QCinema International Film Festival noong October 2019.

Kapwa umani sina Cristine at Xian ng mga papuri sa kanilang pagganap sa pelikula.

Maging daan kaya ito para magkaroon sila ng acting nomination mula sa award-giving bodies?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cristine Reyes at Xian Lim, sumalo sa supposed reunion movie nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez.
PHOTO/S: @viva_films Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results