Christian Bautista, excited sa concerts niya with Julie Anne San Jose at Ronan Keating

by Jojo Gabinete
Feb 5, 2020
Christian Bautista on his acting career: "I think I have to produce my own movies. Wala ngayon, kasi I still have to really prove my mettle as an actor. I need to prove to everyone that I can do it, so we’ll see what happens."
PHOTO/S: Noel Orsal

TheAng 2006 film na Mano Po 5: Gua Ai Di (I Love You) ang unang pelikula ni Christian Bautista, at hindi pa ito nasusundan.

Kaya ang local at international concerts pa rin ang kanyang pinagkakaabalahan.

Hindi pa alam ni Christian kung kailan siya uli mabibigyan ng oportunidad na makagawa ng pelikula, pero handang-handa siyang patunayan ang kakayahan niya sa pag-arte.

"Hindi ko pa alam," sagot ni Christian nang tanungin ng Cabinet Files tungkol sa kanyang movie acting career.

"I think I have to produce my own movies.

"Wala ngayon, kasi I still have to really prove my mettle as an actor.

"I need to prove to everyone that I can do it, so we’ll see what happens.

"Sa ngayon, wala pa."

Bilang singer, wala nang kailangang patunayan si Christian dahil in demand pa rin siya sa concert scenes.

VALENTINE CONCERT WITH JULIE ANNE SAN JOSE

Sa February 8, may early Valentine’s Day treat sina Christian at Julie Anne San Jose para sa mga kababayan natin sa Pangasinan.

Continue reading below ↓

Sila ang mga headliner sa The Sweetheart and The Balladeer (Fun Night Only), ang kanilang successful concert series na produksiyon ng GMA Entertainment Group, GMA Regional TV, at GMA Pinoy TV.

Ang Urdaneta City Cultural and Sports Center sa Urdaneta City, Pangasinan ang venue ng concert nina Christian at Julie Anne.

Continue reading below ↓

Una itong itinanghal sa Iloilo City noong January 2019, at pangalawa sa Cagayan de Oro noong July 2019.

Muling makakasama nina Julie Anne at Christian sina Kyline Alcantara, Donita Nose, at Super Tekla sa show nila sa Urdaneta City.

Kung looking forward si Christian sa Urdaneta City show nila ni Julie Anne, equally excited din siya sa concert nila ni Ronan Keating.

CONCERT WITH RONAN KEATING

Si Ronan ang pinaka-popular na miyembro ng Boyzone, ang Irish boyband na sumikat noong '90s.

Nakilala ni Christian nang personal si Ronan nang maging front act siya sa Thank You and Goodnight Tour ng Boyzone sa Mall of Asia Arena noong August 26, 2018.

Nabigyan si Christian ng pagkakataong kantahin ang "No Matter What" kasama si Ronan at ng tatlong miyembro ng grupo sa farewell concert ng Boyzone.

Continue reading below ↓

Noong high school student pa lamang siya, madalas kinakanta ni Christian at ng kanyang mga kaklase ang "No Matter What," kaya hindi siya makapaniwalang darating ang araw na makakapag-perform siya sa stage na kasama ang Boyzone.

Sa February 29, muling magtatagpo sina Christian at Ronan dahil siya at ang Indonesian singer-actress na si Bunga Citra Lestari ang featured guests sa post-Valentine concert ng Irish singer sa Pullman Jakarta Central Park.

“Yes, meron ako [show] kay Ronan Keating sa Indonesia. It’s big deal.

"It’s funny dahil nagkasama na kami sa Boyzone concert nila dito sa Manila before. Naki-guest ako sa kanila.

"Ako pa rin ang guest [sa Jakarta], siya ang headliner, pero to be part of that show is very nice.

"The best performance na napanood ko si Ronan was a musical, it’s called Once, sa West End.

"Ang galing pala niyang umarte, tumugtog, kumanta, of course.

"Noong nag-guest nga ako sa Boyzone, mabait siya.

Continue reading below ↓

"Ang daming international acts na mababait, like sina Josh Groban.

"Sila pa yung nagpapasalamat and gusto kong gayahin yun, in the sense na generous din ako to other artists—foreign or local," ani Christian.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christian Bautista on his acting career: "I think I have to produce my own movies. Wala ngayon, kasi I still have to really prove my mettle as an actor. I need to prove to everyone that I can do it, so we’ll see what happens."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results