Watch Now

Ina ni Lovely Embuscado, gustong ipakupkop ang anak kay Krizza Neri

by Jojo Gabinete
Feb 7, 2020
Dinala ni Krizza Neri (kanan) sa isang apartelle sa Quezon City ang mag-inang Daisy at Lovely Embuscado (kaliwa) para hindi na manirahan sa kalye. Ngunit hiling ng ina ni Lovely na tuluyan nang kupkupin ni Krizza ang dating kasamahan sa Protégé.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Sina Jona, Aicelle Santos, at Maricris Garcia ang additional performers sa benefit show para kay Lovely Embuscado.

Ang tatlo ay nakilala noon bilang La Diva, ang singing group na napapanood dati sa defunct muscal-variety shows ng GMA-7 na SOP at Party Pilipinas.

Gaganapin ang benefit show para kay Lovely sa Zirkoh Comedy Bar sa Tomas Morato, Quezon City, bukas, February 8.

Ang benefit show ay idea ni Protégé Season 1 grand champion Krizza Neri para matulungan ang kasamahan niya sa talent search show ng GMA-7 noong 2011.

Dinamayan agad ni Krizza si Lovely at ang ina nitong si Daisy nang malaman niyang homeless at dumaranas ng matinding depression ang former Kapuso singer.

Dinala ni Krizza sa isang apartelle sa Quezon City ang mag-ina para hindi na manirahan sa kalye.

Kasama sa sinagip ni Krizza si Nelson, ang live-in partner ni Daisy.

May sariling buhay at nagtatrabaho rin si Krizza, kaya hindi madali sa kanyang desisyunan ang hiling ni Daisy na kupkupin niya si Lovely pagkatapos ng benefit show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang makausap ng Cabinet Files si Daisy sa telepono, ipinahayag niya ang kagustuhang mag-perform sa benefit show para sa kanyang anak.

Dahil kumakanta rin, kasama sa pangarap ng nanay ni Lovely na sumali sa "Tawag ng Tanghalan" ng It’s Showtime at isadula ng Magpakailanman ang life story nila ng kanyang anak.

Sa huling text message ni Daisy sa Cabinet Files kagabi, February 7, ang pagdura ng dugo ng kanyang kinakasama ang pinoproblema niya.

Kailangan umanong mapatingnan sa doktor ang kanyang live-in partner.

Kinumpirma ni Krizza na kakanta sa benefit show si Lovely, pero isasalang ito nang maaga para makapagpahinga agad.

Nangangailangan si Lovely ng professional help dahil hindi pa rin normal ang kanyang mga ikinikilos, ang pagsasalita, at pagtawa niya habang nag-iisa.

Ito ay kahit sinasabi ni Daisy na nagiging maayos ang kalagayan ng anak kapag nakakain ito.

Kailangang-kailangan ni Lovely ng tulong, at naniniwala ang Cabinet Files na bukod kay Krizza, may mga kababayan tayong makatutulong para maipagamot ang young singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dinala ni Krizza Neri (kanan) sa isang apartelle sa Quezon City ang mag-inang Daisy at Lovely Embuscado (kaliwa) para hindi na manirahan sa kalye. Ngunit hiling ng ina ni Lovely na tuluyan nang kupkupin ni Krizza ang dating kasamahan sa Protégé.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results