Nathalie Hart at Indian husband, naghiwalay dahil sa cultural differences

by Jojo Gabinete
Feb 7, 2020
Nathalie Hart on short-lived marriage with Indian husband: "Parang I want more, but not in terms of mga bagay. I want support, yung maturity. Wala pa doon, e, pero we do love each other."
PHOTO/S: Noel Orsal

Umayon si Nathalie Hart sa obserbasyon ng Cabinet Files na malaki ang kinalaman ng cultural differences nila ng kanyang estranged Indian husband na si Mayank Sharma sa kanilang short-lived marriage.

"Yes, cultural differences talaga, and then nag-aaral din yung tatay ng anak ko.

"'Tapos, bata pa siya. Bata siya sa akin ng two years, so iba yung mentality.

"Parang I want more, but not in terms of mga bagay. I want support, yung maturity.

"Wala pa doon, e, pero we do love each other," sabi ni Nathalie nang makausap siya ng Cabinet Files sa story conference ng Kunwari Mahal Kita kahapon, February 6.

Kasama ni Nathalie sa pelikula sina Ryza Cenon at Joseph Marco.

Kung sinasabi mong mahal niyo pa rin ang isa’t isa, may posibilidad bang magkabalikan kayo ni Mayank?

"Hindi ko alam," sagot sa amin ni Nathalie.

"Ang problema kasi sa akin, now na hindi na kami, parang I wanna prove something to myself na I want to move [on].

Continue reading below ↓

"Kaya yun ang ginagawa ko ngayon para, kahit papaano, maipakita ko naman sa kanila na they could be proud of me as well, so there’s respect.

"They will look at me with respect, hindi yung naghiwalay kami, 'tapos may ginagawa ka na, naglalandi ka na. Hindi tama yun."

One year old na ngayon si Penelope, ang anak nina Nathalie at Mayank.

Pitong buwan pa lamang ang bata nang maghiwalay ang kanyang mga magulang.

POSTPARTUM DEPRESSION

Mahirap ang mga pinagdaanan ni Nathalie dahil nakararanas pa siya ng postpartum depression nang mangyari ang paghihiwalay nila ni Mayank.

"Yes, even worse, kaya hindi ako nakakausap ng mga tao,” kumpirmasyon ni Nathalie tungkol sa depression na naranasan.

Nagamot daw ang kanyang depression dahil sa pakikipag-usap niya sa mga kaibigan.

"Kung sinu-sino na lang ang mga kinakausap ko na friends ko, and then I open up with them.

"Kahit nakakahiya, kinakausap ko sila. Umiiyak na lang ako kung kani-kanino, para akong tanga.

Continue reading below ↓

"Then I realized, mas maganda pala yung ginawa ko.

"Inilabas ko lahat ng sama sa loob ko, kesa naman itinago ko lang, kaya siguro naka-recover din ako nang unti-unti."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nathalie Hart on short-lived marriage with Indian husband: "Parang I want more, but not in terms of mga bagay. I want support, yung maturity. Wala pa doon, e, pero we do love each other."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results