Benj Manalo, ibinahagi ang mga plano nila ng fiancée na si Lovely Abella

by Jojo Gabinete
Feb 7, 2020
Benj Manalo on wedding plans with fiancée Lovely Abella: "Ang plano po talaga namin, next year, January. Yun ang parang gusto namin talaga, kasi nakapagpatayo na kami ng bahay namin."
PHOTO/S: Noel Orsal

StarStruck Season 3 finalist si Benj Manalo, pero Don-B ang kanyang ginamit na pangalan nang sumali siya sa reality-based artista search ng GMA-7 noong 2005.

Si Jackie Rice at ang pumanaw na aktor na si Marky Cielo ang Ultimate Female and Male Survivors, respectively, sa talent search program ng Kapuso Network na nilahukan ni Benj.

Video: Noel Orsal.

Hindi sinabi ni Benj sa kanyang ama na si Jose Manalo nang maging contestant siya ng StarStruck.

Kaya nagulat na lamang ang Eat Bulaga! host nang dumating sa bahay nila sa Parañaque City ang staff ng StarStruck.

Seventeen years old si Benj nang una nitong sinubukan ang kapalaran niya sa showbiz.

Pero nang sumunod na taon, noong 2006, nagpakasal siya at nagkaroon ng isang anak.

Hindi nagtagal ang pagsasama ni Benj at ng kanyang asawa dahil naghiwalay sila.

Fast forward to 2020... Engaged na si Benj at ang kanyang fiancée—ang comedienne na si Lovely Abella.

Continue reading below ↓

Nakapagpatayo na sila ng sariling bahay at balak nilang magpakasal sa 2021.

Kuwento ni Benj sa Cabinet Files, "Ang plano po talaga namin, next year, January.

"Yun ang parang gusto namin talaga, kasi nakapagpatayo na kami ng bahay namin.

"We were planning na mag-build talaga ng sariling family, kasi meron na akong anak, meron din siyang anak.

"So, gusto naming magkaroon ng sarili namin, pero we want to keep it intimate.

"Siguro, sobrang small gathering lang talaga.

"My son Nathan, thirteen years old na siya.

"Kay Lovely, twelve years old. Sa kanya babae, si Tricia.

"Para silang mag-kuya and okey naman ang relationship nila."

Continue reading below ↓

THE PROPOSAL

Nabanggit din ni Benj na tumagal ng isang taon ang paghahanda niya sa kanyang marriage proposal kay Lovely, at hindi naiwasang magkaroon ng pagkakamali.

"One year preparation yun.

"Nagkamali pa, kasi hindi siya talaga dapat mangyari sa music video shoot ko.

"Mangyayari siya dapat sa house blessing ng bahay namin, kasi galing siya ng Hong Kong from Hello, Love, Goodbye [shooting].

"Bago siya mag-show sa Riyadh, pinauwi namin yung mga kapatid niya from Canada para, at least, may maka-witness na family niya and all.

"Yun nga lang, lagi niyang sinasabi na ayaw muna niyang magpa-blessing [ng bahay], so na-postponed nang na-postponed.

"That time, kailangan nang umuwi ng mga kapatid niya sa Canada, so wala akong choice kundi mag-propose sa music video shoot.

"Thank God, very supportive naman yung mga close friend namin.

"Sinabi ko, 'Kunwari magka-cameo kayo sa music video ko.'

"After ng video shoot, the usual, nag-thank you ako sa mga tao, hanggang nag-propose ako.

Continue reading below ↓

"Akala ko nga, hindi siya magye-yes. Promise, ang tagal niya [sumagot]!

"Parang ako, 'Sumagot ka na, sumagot ka na!'

"Kasi ang tagal niyang sumagot, parang mga thirty seconds," pagbabalik-alaala ni Benj tungkol sa marriage proposal niya kay Lovely noong nakaraang taon.

VIVA CONTRACT ARTIST

Ikinuwento ni Benj ang bahagi ng love story nila ni Lovely sa contract signing niya bilang contract star ng Viva Artists Agency (VAA) kahapon, February 6.

Continue reading below ↓

Lumapit sa VAA si Benj dahil gusto niyang lumawak ang mundo na kanyang ginagalawan.

"May ganoong thinking na pader na ang Viva, so I wanted to work on that scale na alam ko na makakagalaw din ako na mas malawak.

"Na hindi lang ako mali-limit sa acting jobs ko sa TV.

"Kasi, ang feeling ko, I need to expand dahil hindi ako nabibigyan ng chance na makapag-create ng films.

"Mas nakakaarte ako sa films dahil nano-nominate ako for best supporting actor, best actor, and all.

"So, I’m taking that route. Ako ang lumapit sa Viva."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Benj Manalo on wedding plans with fiancée Lovely Abella: "Ang plano po talaga namin, next year, January. Yun ang parang gusto namin talaga, kasi nakapagpatayo na kami ng bahay namin."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results