Watch Now

Jaya, ipinaliwanag ang pananahimik tungkol sa kalagayan ni Lovely Embuscado

by Jojo Gabinete
Feb 9, 2020
Jaya (left) on former Protégé contestant Lovely Embuscado: "May mga personal na message na parang, 'Tulungan niyo po siya, kawawa naman.' And I thought, may nanay pa siya. I didn’t want to interfere kung anuman yung buhay na meron sila o kung anong nangyayari."
PHOTO/S: Noel Orsal / Jojo Gabinete

As early as 2017, marami ang nagta-tag kay Jaya sa social media platform na Twitter tungkol sa mental health condition ni Lovely Embuscado, ang protégé niya sa Protégé, ang talent show ng GMA-7 noong 2011.

Ang tulungan si Lovely ang pakiusap kay Jaya ng concerned citizens, pero pinili ng 49-year-old soul singer na manahimik at huwag sumagot.

Kagabi, February 8, kabilang si Jaya sa mga nag-perform nang walang anumang kapalit sa benefit show para kay Lovely sa Zirkoh.

Dito niya sinabi ang mga dahilan ng kanyang pananahimik noon.

"Natutuwa ako na ngayong gabi, nabuo ni Krizza Neri itong ganitong pagtitipon, a very special performance night para sa isa naming kasamahan na si Lovely Embuscado.

"Bago ako kumanta, sinabi ko kay Krizza na gusto ko sanang pasalamatan siya for what she has done.

"Kasi, una, I found about this sa Twitter, and ang dami-dami talagang tao na nag-tag sa akin.

"Ni isa, hindi ko sinagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Bakit? Kasi I wasn’t sure how to start anything.

"I have children, I home schooled my kids, ako ang teacher nila.

"I work and I do house works, so ang dami ko pong ginagawa.

"I’m leaving on Monday for the U.S.

"Marami rin akong mga inaasikaso.

"So, I’m thinking, 'Sino kaya Lord ang puwedeng magsimula nito?'

"Finally, Ice Seguerra messaged me on Instagram and, sabi sa akin, 'Naalaala mo pa ba si Lovely?'

"'Sino po ang makakalimot, ako yung mentor niya?'"

Patuloy ni Jaya, "But you know, as in any program, lahat po ng mga competition, mga programang napapanood natin, behind that is real life.

"So, I said to myself, hindi ako sasagot.

"Kasi may mga personal na message na parang, 'Tulungan niyo po siya, kawawa naman.'

"And I thought, may nanay pa siya.

"I didn’t want to interfere kung anuman yung buhay na meron sila o kung anong nangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Lovely is 21 years old. And when I first met her, she was 13.

"Now, hindi ko po alam ang nangyari sa buhay niya sa loob ng mga panahon na yun.

"Pero ang importante, we’re willing to help her, and thank you very much to each and everyone of you.

"I saw her and she really needs help, no joke," pahayag ni Jaya bago siya kumanta.

Hindi agad umalis sa Zirkoh si Jaya dahil hinintay muna nitong mag-perform si Lovely.

Habang nanonood siya, bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala para sa dating protégé.

Masigabong palakpakan ang tinanggap ni Lovely mula sa manonood nang awitin niya ang "My All" at "Pangarap Ko ang Ibigin Ka."

Puring-puri ng audience ang singing talent ni Lovely dahil memoryado ang lyrics at kontrolado niya ang boses.

Ito ay sa kabila ng pagkakaroon niya ng kapansanan sa pag-iisip, na hindi matanggap ng kanyang ina na si Daisy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

In denial ang nanay ni Lovely sa tunay na mental health condition ng kanyang anak.

Naniniwala si Daisy na normal si Lovely at makababalik ito sa showbiz, kaya nagpapatulong siyang makasali ang anak sa mga audition sa "Tawag ng Tanghalan" ng It’s Showtime, at sa "Wil To Win," ang talent search segment ng Wowowin.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jaya (left) on former Protégé contestant Lovely Embuscado: "May mga personal na message na parang, 'Tulungan niyo po siya, kawawa naman.' And I thought, may nanay pa siya. I didn’t want to interfere kung anuman yung buhay na meron sila o kung anong nangyayari."
PHOTO/S: Noel Orsal / Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results