Kyline Alcantara, "surreal" na makasama sa isang teleserye si Superstar Nora Aunor

by Jojo Gabinete
Feb 11, 2020
Sa unang pagkakataon ay makakatrabaho ng Kapuso young actress na si Kyline Alcantara (kanan) ang Superstar na si Nora Aunor sa isang teleserye.
PHOTO/S: James Patrick Anarcon

Ang Bilangin Ang Bituin Sa Langit ang unang proyekto na pagsasamahan nina Nora Aunor at Kyline Alcantara.

Si Kyline ang gaganap na apo ni Nora sa afternoon drama series ng GMA-7 na mapapanood simula sa February 24, 2020.

Sa ginaganap na presscon ng Bilangin Ang Bituin Sa Langit ngayong Martes ng gabi, February 11, ang impression niya kay Kyline ang itinanong ni Nora.

Pero maliban sa alam nitong mahusay umarte ang young actress, walang ibang masabi ang Superstar dahil bukas pa lamang kukunan ang kanilang mga eksena.

“Hindi pa kami nagkakaeksena ni Kyline, pero alam ko na magaling siya. Bikolana, e,” sagot ni Nora.

Para naman kay Kyline, "surreal" experience na makasama niya sa isang TV series ang legendary actress.

"It’s surreal for me, kasi wala pong artista na hindi nangarap makasama si Miss Nora Aunor,” ani Kyline.

Nangako ang Kapuso young actress na gagalingan nito ang pag-arte, kahit matindi ang kaba na kanyang nararamdaman.

Continue reading below ↓

Bukod sa co-star niya si Nora, mahusay rin ang kanilang direktor na si Laurice Guillen.

"Kinakabahan po ako. Kinakabahan po ako sa buong teleserye.

"Siyempre po, lahat tayo, gustong maging successful itong Bilangin Ang Bituin Sa Langit.

"Kinakabahan po ako sa reaksiyon ng ating mga Kapuso all over the world, kung paano nila ma-appreciate itong Bilangin...

"Ang wish ko lang po dito, hindi ako masigawan ni Direk Laurice," sabi ni Kyline.

Reaksiyon naman dito ni Direk Laurice, “Magaling yung mga artista and, overall, magaling silang lahat.

"Kaya nga ako’y natutuwa kasi yung mga younger actor na cast dito ay magagaling.

"Siguro ang difficulty lang nila, dahil magaling sila, lalo ko silang hinihingan na itong gagawin nila dito ay hindi tulad ng nagawa nila."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa unang pagkakataon ay makakatrabaho ng Kapuso young actress na si Kyline Alcantara (kanan) ang Superstar na si Nora Aunor sa isang teleserye.
PHOTO/S: James Patrick Anarcon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results