Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

RK Bagatsing, hiningan ng reaksiyon sa sexual orientation ng kapatid na si Raymond Bagatsing

by Jojo Gabinete
Feb 13, 2020
"Napakalalim niyang tao. So, I think, hindi ko ma-pinpoint kung ano ang gusto niya na i-put across kasi hindi ko rin nabasa yung mga interview sa kanya," sagot ni RK Bagatsing nang tanungin tungkol sa sexual orientation ng half-brother niyang si Raymond Bagatsing.
PHOTO/S: Bernie Franco

Ang sexual orientation ng kanyang half-brother na si Raymond Bagatsing ang sinagot ni RK Bagatsing nang makausap siya ng Cabinet Files sa presscon ng Us Again ng Regal Entertainment Inc.

Noong November 2019, pinag-usapan ang "I find men good looking" statement ni Raymond sa presscon ng Love is Love.

Malalim ang mga pahayag noon ni Raymond tungkol sa kanyang pagiging "man's man" at pagkakaroon din ng mga katangian at hilig sa "feminine things."

Kaya ang sexual orientation ng kanyang kapatid ang itinanong kay RK.

Pahayag niya, "For starter, kilala ko kasi si Kuya. Napakalalim niyang tao.

"So, I think, hindi ko ma-pinpoint kung ano ang gusto niya na i-put across kasi hindi ko rin nabasa yung mga interview sa kanya.

"I guess, I have to talk to him about that. Hindi naman ako puwedeng mag-comment sa something na hindi ko alam. Sobrang lalim niya."

Paliwanag pa niya, "May sarili akong lalim, but not in a way na [tulad sa kanya] kasi marami siyang pinagdaanan.

Continue reading below ↓

"Ahead siya sa akin, mas marami siyang experiences, mas marami siyang napuntahan.

"Iniisip ko nga, late-bloomer na ako. Nagsisimula pa lang ako."

Nakatulong ba ang pagiging kapatid ni Raymond para mapadali ang pagpasok mo sa showbiz?

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Dinaanan ko lahat. Nakatulong siya, in a way, na sa many rejections na pinagdaanan ko, nandiyan siya to support me," sagot ng 31-year-old actor.

"He guided me, 'Okey lang iyan, that’s part of your growth, part of your experience, and eventually, makukuha mo rin ang break mo.'

"Ganoon siya sa akin."

Unlike Raymond, hindi naging madali para kay RK ang pagpasok sa showbiz.

Nasubukan niya noong pumila sa auditions ng mga reality-based talent search tulad ng StarStruck ng GMA-7 at Pinoy Big Brother ng ABS-CBN.

"Mas madali ang pagpasok ni Kuya sa showbiz. Nag-commercial siya then tuluy-tuloy na.

"Sinabi naman niya, magkaiba ang tinahak namin na landas.

"Kasi may times na sobrang depressed na ako. Hindi na ako makakuha ng projects. Tinulungan naman niya ako."

Continue reading below ↓

Naikuwento rin ni RK na marami siyang pinagdaanang pagsubok bago siya nakagawa ng pangalan bilang aktor.

"Varsity player ako from elementary to college, pero nagkaroon ako ng injury kaya nawalan ako ng identity.

"Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

"Nag-call center na lang ako, pero dahil nasa dugo namin ang showbiz, bumalik na lang ako."

Hindi raw siya nawalan ng pag-asa kahit na na-reject siya nang sinubukan niyang sumali sa reality talent search shows.

"Lahat ng auditions, pinuntahan ko. Pumila ako sa StarStruck, pumila ako sa PBB…hindi ako nakuha.

"A lot of times, na-discourage ako, pero I kept going.

"Sabi ko, someday, makukulitan din sa akin ang universe…"

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Napakalalim niyang tao. So, I think, hindi ko ma-pinpoint kung ano ang gusto niya na i-put across kasi hindi ko rin nabasa yung mga interview sa kanya," sagot ni RK Bagatsing nang tanungin tungkol sa sexual orientation ng half-brother niyang si Raymond Bagatsing.
PHOTO/S: Bernie Franco
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results