Centerstage, eere na ngayong gabi

by Jojo Gabinete
Feb 16, 2020
Centerstage, GMA-7's new reality singing competition for kids, airs its pilot episode tonight, February 16. Photo shows (L-R): main host Alden Richards; jurors Pops Fernandez, Mel Villena, Aicelle Santos; and journey host Betong Sumaya.
PHOTO/S: GMA Network

Ang kapakanan ng young contestants ng Centerstage ang pangunahing interes nina Alden Richards, Betong Sumaya, at Pops Fernandez—ang main host, journey host, at judge, respectively, ng bagong singing competition ng GMA-7 na mapapanood simula ngayong gabi, February 16, 8:40 pm.

Mga bata na may edad pito hanggang labingdalawa ang mga contestant ng Centerstage kaya tiniyak nina Alden, Betong, at Pops na makapagbibigay sila ng inspirasyon at encouragement sa mga ito.

Lahad ni Alden, “Yung Centerstage po, ma-e-expect ng mga bata dito na it’s gonna be fun, it’s gonna be inspirational, and mas nahuhubog po nito, mas napu-push nito ang pagiging kuya ko sa mga bata.

“We want them to be inspired and motivated na even though hindi sila ang makuha sa contest na ‘to, this will not be the end but the start of their journey as singers."

Ayon naman kay Betong, “Ako naman po ang journey host dito. Kalimitan po ang makakasama ko, mga magulang, pero nakakausap ko iyung mga bata.

Continue reading below ↓

“Sabi ko sa kanila, kung hindi man sila palarin ngayon, dire-diretso lang. Huwag bumitaw sa pangarap. Hindi ibig sabihin kapag hindi ka pinalad, 'tapos na.

“Dahil bata pa sila, mas lalo nilang pag-ibayuhin ang kanilang craft, yung talent nila. Hindi natin masasabi sa mga susunod na contest na sasalihan nila, dire-diretso lang, so huwag bumitaw sa pangarap, and always pray."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Para kay Pops, hindi madali ang maging hurado ng isang contest dahil ayaw niya na may nasasaktan, kaya mahirap ang trabaho nila nina Aicelle Santos at Mel Villena, ang co-judges niya sa Centerstage.

Pag-amin ng tinaguriang Concert Queen, “It’s hard to judge especially in a contest. Napakahirap kasi there will always be one winner and the others will always get disappointed.

“Mahirap ang trabaho namin. We don’t want to hurt anybody, we don’t want to disappoint but, somehow, this show, nakikita ko na we will be more encouraging.

“We cannot probably stop, lalo na kapag bata. Sa may edad nga, nadi-disappoint sila, what more kapag children?

Continue reading below ↓

“So we’re gonna be, we’re gonna try to be very careful. Ayaw namin na ma-disappoint sila to a point na ititigil na nila iyung dreams nila sa pagkanta.

“We want to be as encouraging and as inspiring to the children as much as possible. It’s a pretty hard task to do but sana ma-achieve po namin dito sa Centerstage.

“It’s just not about saying negative things but it's also about... kumbaga, titingnan din namin kung paano kami makaka-encourage sa mga bata.

“For most of them, this is exactly what they want to do. They want to be the best singers, they want to be popular singers later on in their lives. But for others naman, this is just a hobby, a passing thing.

"So, hopefully, as judges, makatulong kami and, hopefully, Centerstage could be a stepping stone wherein they can figure out exactly what they want to do later on in their lives.”

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Centerstage, GMA-7's new reality singing competition for kids, airs its pilot episode tonight, February 16. Photo shows (L-R): main host Alden Richards; jurors Pops Fernandez, Mel Villena, Aicelle Santos; and journey host Betong Sumaya.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results