Cristine Reyes, totoong nagalit kay Xian Lim dahil sa manika

by Jojo Gabinete
Feb 16, 2020
Xian Lim narrates how his Untrue leading lady Cristine Reyes freaked out and got very sore at him because he bought a life-size doll she found really scary. This was during their shoot for their movie in Tbilisi, Georgia. Xian bought the doll for his lola, who is an avid doll collector.
PHOTO/S: Noel Orsal

May obsession sa manika ang lola ni Xian Lim kaya bumili ang aktor ng manika na kamukha ng Annabelle doll nang pumunta sila ni Cristine Reyes sa Tbilisi, Georgia, para sa shooting ng Untrue.

Ang Annabelle ay ang sumikat na American horror film na ipinalabas noong 2014. Pinagbidahan ito nina Annabelle Wallis, Ward Horton at Alfre Woodard, at idinirehe ni John R. Leonetti. Umiikot ang kuwento ng pelikula sa isang haunted wooden doll.

Hindi inaasahan ni Xian na ang manika na binili niya ang magiging dahilan para totoong mairita at magalit sa kanya si Cristine.

“Nakakaasar itong si Xian Lim. Nasa Georgia kami, siyempre, lahat ng buildings doon, lumang-luma. Meron siyang biniling something doon na nakakatakot.

“Nung binili niya iyon, may multo sa room ko. As in, like iyung room ko lang ang walang kuryente,” ang pasakalye ni Cristine.

Singit naman si Xian ng kuwento tungkol sa manika na ikina-freak out ng kanyang leading lady sa Untrue: “May mga street vendor, nagbebenta sila ng isang malaking manika, medyo life-size siya na medyo kahawig ni Annabelle.

"'Tapos ipinapakita ko kay Cristine, ‘Tingnan mo iyung nabili ko.’

Continue reading below ↓

“Umalis na lang siya. From then on, hindi ko na siya makausap kasi galit na galit siya sa ginawa ko.

“Sabi niya, ‘Bakit ganyan iyan?’ kasi nga inuupo ko sa lamesa [ang manika].”

Dagdag ni Xian, na suportado ang kakaibang hilig ng kanyang lola, “Nanggaling naman iyan sa obsession ng lola ko sa pag-collect ng manika, so maraming manika.

"I think medyo dark pero pinagtatawanan lang sila sa bahay.”

Ipinagtapat ni Cristine na maliban sa nakakatakot na manika na binili ni Xian, magaling itong painter, pero nakakatakot din umano ang mga artwork ng kapareha niya sa Untrue.

Lubos na nakilala nina Xian at Cristine ang isa’t isa dahil sa matagal na pamamalagi nila sa Tbilisi, at bilang Untrue ang pamagat ng kanilang pelikula, kung kailan sila naging untrue sa sarili ang itinanong namin sa dalawa.

“All my life, I’ve been always true,” ang walang pag-aalinlangang sagot ni Cristine, samantalang mahaba ang ibinigay na paliwanag ni Xian na aminadong nahirapan na sagutin ang aming tanong.

Continue reading below ↓

Sagot ni Xian: “I think, it was more of trying to fit in. I think that was the time na naging untrue talaga ako sa sarili ko, and I think even up to now, nagagawa ko pa rin siya kasi parang built-in na as human beings tayo, we always wanna fit in, we always want to belong, and I think doon ko nararamdaman na untrue ako to myself, na I’m like this little boy na nahihiya.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xian Lim narrates how his Untrue leading lady Cristine Reyes freaked out and got very sore at him because he bought a life-size doll she found really scary. This was during their shoot for their movie in Tbilisi, Georgia. Xian bought the doll for his lola, who is an avid doll collector.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results