Alessandra de Rossi at Cristine Reyes, magkatapat sa box office

by Jojo Gabinete
Feb 19, 2020
Kabilang ang mga pelikulang Watch List, Brahms: Le Garcon II, at Untrue ang mga nagbukas sa mga sinehan ngayong Miyerkules, February 19.

Isang Hollywood film at dalawang Tagalog movies ang ilan sa mga nagbukas sa mga sinehan ngayong Miyerkules, February 19.

Ito ay ang horror movie na Brahms: The Boy II ng STX Entertainment, ang Untrue ng Viva Films, at ang Watch List ng Reality Entertainment.

Naunang ipinalabas sa mga sinehan sa Pilipinas ang Brahms: The Boy II dahil sa February 21 pa ang playdate nito sa US cinemas.

Mga bida sa Brahms sina Katie Holmes, Ralph Ineson, at ang child actor na si Christopher Convery.

Nagkaroon ng premiere ang Brahms sa SM Megamall Cinema 1 noong Martes, February 18, pero hindi pa puwedeng maglabas ng reviews ng pelikula dahil sa Biyernes pa ang opening day sa Amerika.

Hindi mabibigo ang mahihilig sa horror movies na nagpaplanong panoorin ang Brahms dahil malakas ang gulat factor ng mga eksena.

R13 ang classification na ibinigay ng MTRCB sa Brahms dahil sa bloody at violent scenes.

Continue reading below ↓

Parehong R16 ang classification ng MTRCB sa Untrue at Watch List dahil sa sensitibong tema ng mga nabanggit na pelikula.

Sina Xian Lim at Cristine Reyes ang lead stars ng Untrue, at si Alessandra de Rossi ang bida sa Watch List.

Magkaribal ngayon sa box office ang mga pelikula nina Cristine at Alessandra.

Pero sa susunod, silang dalawa naman ang magbibida sa movie project na ipo-produce ng AWOO, ang film company ni Alessandra.

Hindi pa masabi ni Alessandra ang magiging pamagat ng pelikulang pagsasamahan nila ni Cristine, pero tungkol sa dalawang artista ang kuwento ng project na kanilang gagawin.

"Dalawang artista and their lives.

"Comedy siya, totoong comedy dahil yung mga nangyayari sa buhay ng mga artista ang kuwento.

"Concept ko ang story at nagpapa-second draft pa lang ako ng script, inaayos pa," sabi ni Alessandra tungkol sa unang movie team-up nila ni Cristine.

Nagkatrabaho ang dalawa sa mga TV series noon tulad ng Darna ng GMA-7, at sa mga TV guesting pero ngayon lamang sila magsasama sa isang pelikula.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang ang mga pelikulang Watch List, Brahms: Le Garcon II, at Untrue ang mga nagbukas sa mga sinehan ngayong Miyerkules, February 19.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results