Watch Now

Ina ni Lovely Embuscado, kumbinsidong sinapian ng demonyo ang anak

by Jojo Gabinete
Feb 21, 2020
Daisy Embuscado on daughter Lovely's mental health: "Ako lang ang nakakagamot sa kanya dahil ang kailangan ng tao na may sanib ay pamilya niya, na palagi niyang kausap sa lahat ng oras sa cell phone na may music at headphone at videoke."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Naka-confine na ang Protégé Season 1 finalist na si Lovely Embuscado sa isang pyschiatric hospital matapos siyang ma-diagnose na mayroong schizophrenia.

Ang confinement ni Lovely sa mental institution ang sagot sa panawagan ng netizens na tulungan ang 21-year-old singer para gumaling ito.

Ang Protégé Season 1 grand winner na si Krizza Neri ang nag-aasikaso sa lahat ng mga pangangailangan ni Lovely, na walang katiyakan kung hanggang kailan mananatili sa pagamutan.

Noong una, pumayag ang nanay ni Lovely na si Daisy Embuscado na manatili sa mental institution ang kanyang anak, pero biglang nagbago ang isip nito.

Base sa mga pahayag ni Daisy, tila kailangan din nito ng professional help dahil naniniwala siyang hindi magagamot ng mga doktor ang kanyang anak.

Pahayag niya sa panayam ng Cabinet Files, "Huhulaan ko, hindi kayang gamutin ng doktor ang sakit ni Lovely, lalo lamang magiging malala.

"Ako lang ang nakakagamot sa kanya dahil ang kailangan ng tao na may sanib ay pamilya niya, na palagi niyang kausap sa lahat ng oras sa cell phone na may music at headphone at videoke.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kailangan niya na palaging kumakanta.

"Lumala si Lovely sa kamay ko dahil wala na akong pera na pam-videoke niya.

"Kailangan niya ng sounds sa tenga para hindi siya ma-possess ng masasamang espiritu."

Kumbinsido si Daisy na sinasapian ng demonyo ang kanyang anak.

"Demon-possessed po ang sakit ni Lovely, kaya hindi ko po kasalanan kapag lumala ang kalagayan niya sa ospital dahil kailangan niya ng pamilya na nakakaunawa sa kanya.

"Sana naman, pauwiin na lang ni Krizza si Lovely dahil baka mamatay ang anak ko sa ospital. Gusto ko pang makita na buhay ang anak ko.

"Huwag nilang ikulong dahil nakakasama sa mga possessed ang kulungan.

"Pagtrabahuin na lang nila, utusan ng kahit ano para hindi tuluyang maagaw ng demonyo ang isip niya, dahil nabi-busy siya sa work at hindi na siya tatawa na mag-isa."

Ngunit sa huli ay nakumbinsi rin si Daisy na ipa-confine sa isang mental institution ang kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Minabuti ng Cabinet Files na ilabas ang mga pahayag ng ina ni Lovely para hindi siya husgahan, dahil siya ang sinisisi sa malungkot na nangyari sa kanyang anak.

Ang mga salitang binitiwan ni Daisy ang matibay na ebidensiya na, tulad ni Lovely, dumaranas din siya ng depression na resulta ng mga kahirapan sa buhay na kanilang pinagdaraanan.

Bilang isang ina, masakit para kay Daisy na mawalay nang matagal kay Lovely dahil sila ang araw-araw magkasama mula nang isilang niya hanggang magdalaga ang kanyang anak.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daisy Embuscado on daughter Lovely's mental health: "Ako lang ang nakakagamot sa kanya dahil ang kailangan ng tao na may sanib ay pamilya niya, na palagi niyang kausap sa lahat ng oras sa cell phone na may music at headphone at videoke."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results