Ang Probinsyano cast, nakiisa sa prayer vigil para sa ABS-CBN franchise renewal

by Jojo Gabinete
Feb 21, 2020
Pinangunahan ni Coco Martin, kasama ang cast at production staff ng Ang Probinsyano, ang prayer vigil para sa ABS-CBN franchise renewal na ginanap sa harap ng ABS-CBN building ngayong Biyernes, February 21.
PHOTO/S: Coco Martin PH Instagram

Ang cast at production staff ng FPJ's Ang Probinsyano, sa pangunguna nina Coco Martin at Yassi Pressman, ang mga sumuporta sa mga empleyado ng ABS-CBN na nagdaraos ng "franchise renewal" prayer vigil ngayong gabi, February 21.

Ginaganap ang prayer vigil sa harap ng Kapamilya Network building sa Sgt. Esguerra St., Quezon City.

Mga kandilang may sindi ang hawak ng mga nagtipun-tipong empleyado na nananalangin at umaasang muling mabibigyan ng franchise ang ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Live na napanood sa TV Patrol ang kilos-protesta ng ABS-CBN employees na unang idinaos noong Biyernes, February 14.

MESSAGE FROM ABS-CBN PRESIDENT & CEO

Ipinakita rin sa primetime news program ang mensahe ni ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak, na nagsabing wala siyang nakikitang dahilan para hindi magtuloy ang paglilingkod nila sa mga Pilipino.

Bahagi ng mensahe ni Katigbak: "Kami ay handang sumunod sa anumang proseso na dapat pagdaanan ayon sa batas.

"Serbisyo po ang layunin ng ABS-CBN, ngunit kami po ay hindi perpekto.

"Nagkakamali din po kami at handa po naming itama ang aming mga pagkukulang.

"Kasama ito sa proseso ng pagiging isang matatag na kumpanya."

Pinasalamatan ni Katigbak ang lahat ng mga empleyado at taong sumusuporta para magpatuloy ang misyon nilang makapagbigay ng public service.

Continue reading below ↓

Sa panayam naman sa kanya ni Karen Davila sa Headstart ng ANC, pinuri ni Malacañang spokesperson Atty. Salvador Panelo si Katigbak.

Saad ni Panelo, "Alam na nilang mali yung ginawa nila, and yet, they didn’t do anything to appease the person na naging biktima ng kanilang injustice at fraud?

“‘Yan ang tinatawag ni Presidente [Rodrigo Duterte] na hubris.

"Mabuti nga nakita ko si Carlo kanina. Meron siyang statement.

"Parang sabi niya, 'nagkakamali din kami.'

"Mabuti pa itong batang ‘to, marunong umamin ng pagkakamali.

"We will right wrongs, pero not your uncle or not your father or not those who were running ABS-CBN.

"Mabuti pa itong mga bata, may pag-asa pa ang ABS-CBN because of them."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinangunahan ni Coco Martin, kasama ang cast at production staff ng Ang Probinsyano, ang prayer vigil para sa ABS-CBN franchise renewal na ginanap sa harap ng ABS-CBN building ngayong Biyernes, February 21.
PHOTO/S: Coco Martin PH Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results