Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Kapamilya stars, nakibahagi sa Walk of Faith para sa ABS-CBN franchise renewal

by Jojo Gabinete
Feb 24, 2020
(Kaliwa) Nakiisa ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa Walk of Faith na ginanap sa paligid ng ABS-CBN ngayong umaga, February 24; (kanan) dumalo ang top executives ng ABS-CBN sa pagdinig sa Senado kaugnay ng isyu ng franchise renewal ng Kapamilya network.
PHOTO/S: Courresy of Anthony Suriaga Comedia Facebook

Sa kabila ng pahayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano na unconstitutional, natuloy ngayong Lunes ng umaga, February 24, ang pagdinig ng Senate committee on public services sa isyu ng legislative franchise renewal ng ABS-CBN.

Ang Senate committee on public services ay pinamumunuan ni Senator Grace Poe.

Isa si Senate President Tito Sotto sa mga nagsabing hindi paglabag sa Constitution ang magaganap na pagdinig.

Saad ni Sotto: "Committee chairpersons are authorized to hear what their committee thinks should be heard. It remains their committee business.

"A committee hearing is not the Senate.

"Besides, the hearing is focused on the resolutions filed re: ABS, not whether we should approve its franchise or not."

Live na napapanood ngayong umaga ang hearing sa DZMM at ANC.

Samantala, nilahukan ng mga empleyado at contract stars ng ABS-CBN ang Walk of Faith na nangyari sa paligid ng ABS-CBN compound at live na napanood sa Umagang Kay Ganda ngayong umaga.

Continue reading below ↓

Ipinaliwanag ni Anjo Bagaoisan ng ABS-CBN News sa kanyang report ang kahulugan ng Kapamilya Walk of Faith.

Sinabi ni Bagaoisan na pitong beses maglalakad sa palibot ng ABS-CBN compound at may kanya-kanyang panalangin para sa pagkasa ng franchise renewal ang mga sumali sa Walk of Faith.

Inspired ito ng Jericho March na nakasaad sa Book of Joshua ng Holy Bible.

Ito ang bahagi ng nakasulat sa Banal na Kasulatan, na tinularan ng Walk of Faith ng mga empleyado at artista ng Kapamilya Network:

“On the seventh day, they rose early, at the dawn of day, and marched around the city in the same manner seven times. It was only on that day that they marched around the city seven time.

"And at the seventh time, when the priests had blown the trumpets, Joshua said to the people, 'Shout, for the Lord has given you the city.'

"And the city and all that is within it shall be devoted to the Lord for destruction."

Continue reading below ↓

Sina Jolina Magdangal, Karla Estrada, Melai Cantiveros, Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, JM de Guzman, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, at Joey Marquez ang ilan sa mga showbiz personality na sumali sa malakas “maka-exercise” na Walk of Faith.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Kaliwa) Nakiisa ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa Walk of Faith na ginanap sa paligid ng ABS-CBN ngayong umaga, February 24; (kanan) dumalo ang top executives ng ABS-CBN sa pagdinig sa Senado kaugnay ng isyu ng franchise renewal ng Kapamilya network.
PHOTO/S: Courresy of Anthony Suriaga Comedia Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results