Carlo Aquino, first time makaranas ng matinding bashing

by Jojo Gabinete
Feb 25, 2020
Carlo Aquino on social media bashing: "Nung time namin noon, wala naman social media, bashing and hating. First time ko maranasan yung ganoon, yung ganoong klaseng hate."
PHOTO/S: @joshenvahnlee / Carlo Aquino Instagram

Suportado ni Carlo Aquino ang panawagang franchise renewal ng ABS-CBN, pero hindi siya nakakadalo sa mga protest rally at Walk of Faith dahil sa taping niya para sa A Soldier’s Heart, ang primetime action drama series ng ABS-CBN.

Kahit limang taon siyang nawala sa ABS-CBN, tumatanaw si Carlo ng malaking utang na loob sa Kapamilya Network dahil dito nagsimula ang acting career niya.

"Umalis ako sa ABS-CBN for five years.

"Sabi ko nga, sila ang nag-hone ng lahat ng alam kong gawin with regards to my acting.

"Doon ako nakilala, so sobrang malaki talaga ang utang na loob ko sa kanila," pahayag ni Carlo nang makausap siya ng Cabinet Files sa launching nito bilang celebrity ambassador ng Spruce & Dash, ang men’s line ng Beautederm Corporation, nitong Martes ng tanghali, February 25.

Continue reading below ↓

Nang kumustahin naman ang personal life niya, naging matapat si Carlo nang sabihin nitong "roller coaster ride" para sa kanya ang nakaraang taon.

"Roller coaster ang 2019, pero no regrets.

"Yung mga nangyari, naging decisions ko, ginusto ko yun.

"2020 is parang busy pa rin naman, may offers pa rin.

"Pero sa ngayon, A Soldier’s Heart muna yung tinututukan ko."

Sabi pa ni Carlo, "Roller coaster, ang dami kasing nangyari.

"Parang first time kong ma-bombard nang ganoon.

"Nung time namin noon, wala naman social media, bashing and hating.

"First time ko maranasan yung ganoon, yung ganoong klaseng hate.

"Wala akong Twitter, ang meron lang ako, Instagram.

"Hindi ako masyadong ma-post. I only post kapag may mga show."

Hindi na idinetalye ng aktor ang mga insidente na dahilan ng kanyang roller-coaster journey noong 2019.

Nang tanungin tungkol sa love life niya, "quiet lang and peaceful" ang sagot ni Carlo.

Pinupuri naman ng marami ang girlfriend ni Carlo na si Trina Candaza dahil hindi ito masyadong masalita at walang komento tungkol sa mga batikos sa kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

Postscript: Ayon kay Beautederm Corporation CEO Rhea Anicoche-Tan, ang Spruce & Dash collection ay bahagi ng agressive effort ng kanyang kompanyang mapalaganap nang husto sa buong mundo ang kanilang mga produkto.

"Isn’t it nice to encounter and see a man who takes care of himself?" sabi ni Tan sa media lunch para kay Carlo bilang Spruce & Dash men’s line celebrity ambassador.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carlo Aquino on social media bashing: "Nung time namin noon, wala naman social media, bashing and hating. First time ko maranasan yung ganoon, yung ganoong klaseng hate."
PHOTO/S: @joshenvahnlee / Carlo Aquino Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results