Mommy Divine, inutusan ang bodyguard ni Sarah magpa-blotter at ipa-Tulfo si Matteo?

by Jojo Gabinete
Feb 26, 2020
May kinalaman nga ba si Divine Geronimo (kaliwa) sa pagpapa-blotter ni Jerry Tamara (kanan) sa insidenteng nangyari sa private reception ng kasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli (gitna)?
PHOTO/S: Screen grab from ABS-CBN / Instagram / Screen grab from TV5

Malaki ang posibilidad na magkaharap at magkausap sina Matteo Guidicelli at Jerry Tamara.

Si Tamara ang close-in security ng misis na ngayon ni Matteo na si Sarah Geronimo.

Nagreklamo ang bodyguard na sinaktan siya diumano ng aktor sa insidenteng nangyari sa intimate wedding reception ng bagong kasal sa isang restaurant sa Bonifacio Global City, Taguig, noong Huwebes, February 20.

Ang broadcaster na si Raffy Tulfo ang gagawa ng paraan para magkausap at magkapaliwanagan sina Matteo at Tamara.

Nalaman ng sambayanang Pilipino ang detalye ng mga kaguluhan na naganap sa very private wedding reception nina Sarah at Matteo dahil ipina-blotter ni Tamara sa Taguig Police ang diumano’y panununtok sa kanya ng aktor.

Pinabulaanan ito ng mga bagong kasal.

Reportedly, inamin ni Tamara kay Tulfo na ang ina ni Sarah na si Divine Geronimo ang nag-utos sa kanyang magsadya sa Taguig Police at ipa-blotter si Matteo.

Si Mommy Divine din ang pinaniniwalaang may idea na "ipa-Tulfo" si Matteo ni Tamara, kaya pumunta ang huli sa studio ng radio program ni Tulfo noong Lunes, February 24, para magreklamo.

Continue reading below ↓

Live na napakinggan sa radyo at napanood ng publiko sa Facebook page ng programa ni Tulfo ang blow-by-blow account ng bodyguard tungkol sa real-life drama sa hindi nailihim na pag-iisang dibdib nina Sarah at Matteo.

Sa interview ay inamin ni Tamara na si Mommy Divine ang nag-hire at nagpapasuweldo sa kanya.

Ikinasal sina Sarah at Matteo sa Victory Church sa Bonifacio Global City.

Si Pastor Paolo Punzalan ang nagkasal kina Sarah at Matteo.

Pamilyar ang pangalan ni Punzalan dahil anak siya ng yumaong TV at radio personalities na sina Helen Vela at Orly Punzalan.

Si Paolo ang senior pastor ng Victory Church sa BGC, at siya rin ang officiating pastor sa Christian garden wedding nina Pia Guanio at Steve Mago noong October 2011.

May mga nalulungkot sa aksyon na ginawa ni Divine dahil kung hindi niya diumano inutusan si Tamara na magsalita, hindi mababahiran ng kontrobersya ang dapat sana’y tahimik at pribadong pagpapakasal nina Sarah at Matteo.

Continue reading below ↓

Ang paglantad at pagsasalita ni Tamara sa programa ni Tulfo ang naging mitsa kaya lalong nadagdagan ang mga personal na batikos laban kay Divine na hindi matanggap na kasal na ang anak sa lalaking mahigpit na tinututulan niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May kinalaman nga ba si Divine Geronimo (kaliwa) sa pagpapa-blotter ni Jerry Tamara (kanan) sa insidenteng nangyari sa private reception ng kasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli (gitna)?
PHOTO/S: Screen grab from ABS-CBN / Instagram / Screen grab from TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results