Watch Now

Arjo Atayde, pinatotohanan ang buhusan ng tubig sa Ang Probinsyano

by Jojo Gabinete
Feb 26, 2020
Arjo Atayde on buhusan-ng-tubig issue on the set of Ang Probinsyano: "I don’t wanna have issues with anyone, but I have to say, I witnessed it, and I’m speaking with what I actually experienced… for fun."
PHOTO/S: Instagram

Pinatotohanan ni Arjo Atayde ang kuwento tungkol sa buhusan ng tubig sa set ng FPJ's Ang Probinsyano.

Pero nilinaw niyang biruan lamang ang lahat.

Si Arjo ang gumanap na main kontrabida ni Coco Martin sa unang dalawang taon (2015-2017) ng Ang Probinsyano.

"It’s for fun," paliwanag ni Arjo nang usisain ng entertainment writers sa launching niya bilang celebrity ambassador ng Spruce & Dash, ang men’s line ng Beautederm Corporation, kahapon, February 25.

Ayon pa kay Arjo, may working relationship na si Coco at ang mga kasamahan nito sa Ang Probinsyano.

“Kung ano yung team ni Coco from Juan dela Cruz, kinuha niya all the way to Ang Probinsyano.

"So, they already have a certain working relationship that everyone who went to Probinsyano can attest to it.

"I don’t wanna have issues with anyone, but I have to say, I witnessed it, and I’m speaking with what I actually experienced… for fun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It’s nothing, it’s a joke," pahayag ni Arjo.

Iginiit ni Arjo na walang na-offend sa buhusan ng tubig prank sa set ng Ang Probinsyano.

Naging malaking isyu ang buhusan ng tubig sa set ng Ang Probinsyano dahil sa post ni Robin Padilla, na inulit nito sa kanyang Instagram post ilang araw na ang nakalilipas.

Pahagay ni Robin: "Ang pagbuhos po ng tubig ay totoong naganap at mismong ang reyna ng pelikulang pilipino ang nagbawal po kay direk coco na wag gagawin yun dahil po kahit minsan ay hindi po ginawa yun ng hari ng pelikula na si FPJ salamat po."

Si Susan Roces ang "reyna ng pelikulang Pilipino" na tinutukoy ni Robin sa Instagram post nito.

Sabi naman ng isang malapit kay Susan, "Itinanggi ni Susan na sinabihan niya si Coco re pagbubuhos ng tubig, at wala siyang sinabi kay Coco at wala siyang nakitang buhos ng tubig."

Incidentally, maraming beses na nabanggit ang pangalan ni Maine Mendoza sa Beautederm presscon para kay Arjo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naikuwento ni Arjo na may isinusulat siyang script para sa kanyang girlfriend.

Tanggap daw niyang magkaiba ang kanilang mundo dahil pang-leading lady si Maine at character actor siya.

Pero tiniyak ni Arjo na meaningful at malaman ang script na kanyang ginagawa.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arjo Atayde on buhusan-ng-tubig issue on the set of Ang Probinsyano: "I don’t wanna have issues with anyone, but I have to say, I witnessed it, and I’m speaking with what I actually experienced… for fun."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results