Ang Us Again ng Regal Entertainment, Inc. at ang More Than Blue ng MM2 Entertainment ang dalawa sa mga pelikulang nagbukas sa mga sinehan ngayong araw, February 26.
Parehong romance drama ang genre ng Us Again at More Than Blue.
Tampok sa Us Again sina Jane Oineza at RK Bagatsing, habang ang More Than Blue ay Taiwanese remake ng blockbuster Korean movie noong 2009.
May similarity ang kuwento ng Us Again at More Than Blue.
Kapwa may kinakaharap na health crisis ang mga karakter na ginagampanan ni RK at ng Taiwanese actor na si Jasper Liu.
Kung magkakaroon ng comparison, malaki ang advantage ng Us Again sa More Than Blue dahil palabas sa cinemas nationwide ang pelikula nina RK at Jane, samantalang exclusive lang na mapapanood sa SM theaters ang Taiwanese movie, na mainit na tinanggap ng audience sa 23rd Busan International Film Festival.
Ang More Than Blue ang isa sa highest-grossing Taiwanese film dahil, to date, umabot sa US$300 million ang worldwide box-office gross nito.
Marami ang naka-relate at umiyak sa heart-wrenching love story ng mga karakter na ginampanan nina Jasper Liu at Ivy Chen.
Ang Us Again ang biggest movie break ni Jane dahil nakasentro sa kanya ang kuwento ng pelikula.
Nabigyan si Jane ng pagkakataong ipakita ang lahat ng klase ng emosyon sa mga eksena niya.
May twist ang last part ng Us Again na tiyak na ikagugulat ng manonood dahil maayos itong nailahad ni Joy Aquino, na nagpakitang-gilas sa kanyang movie directorial debut.