Newbie Sarah Edwards, hindi gumamit ng screen age kahit mas bata ang hitsura

by Jojo Gabinete
Feb 26, 2020
Newcomer Sarah Edwards makes a strong impact in the movie Us Again, starring Jane Oineza and RK Bagatsing.
PHOTO/S: Noel Orsal

Rebelasyon sa pelikulang Us Again ang newcomer na si Sarah Edwards.

Siya ang commercial model na pangarap makasama si Alden Richards sa isang movie project.

Baguhang aktres si Sarah, pero natural na natural ang pagganap na ipinamalas niya sa Us Again.

Obviously, malaking tulong kay Sarah ang acting workshops niya sa mga TV commercial na kanyang ginawa noon.

Dahil hindi pa "showbiz" si Sarah, matapat siya sa pagsagot sa mga tanong sa kanya.

Sa grand presscon ng Us Again, walang pag-aalinlangang sinabi ng newbie actress na 27 na siya nang tanungin ang kanyang edad.

Kung hindi naging honest si Sarah, mapagkakamalan siyang 20 years old or younger dahil batambata ang hitsura niya.

Isang veteran entertainment writer ang nagpayo kay Sarah na dapat gumamit ito ng "showbiz age" dahil hindi naman mahahalata sa petite built niya ang kanyang tunay na edad.

SHOWBIZ AGE

Nang marinig namin ang payo kay Sarah, naalaala namin si Faith Da Silva, ang anak ng convicted actor na si Dennis Da Silva.

Continue reading below ↓

Sa interbyu namin kay Faith noong September 2018, “18 years old” ang kanyang sagot nang tanungin namin tungkol sa kanyang edad.

Sa grand presscon ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday noong January 2020, muling tinanong si Faith tungkol sa kanyang edad.

"Eighteen years old" ang kanyang walang kagatul-gatol na sagot, na hindi na kapani-paniwala dahil imposibleng hindi siya nag-celebrate ng kaarawan noong 2019.

Hindi si Faith ang unang artistang nagpabata.

Noong 2016, nadiskubre ng entertainment press na binawasan ni Inah de Belen ang edad nito.

Naglabas ang PEP.ph ng report tungkol sa Hawaiian-themed 18th birthday party ni Inah noong January 23, 2010.

Hindi ito tumutugma sa edad na kanyang sinabi sa presscon ng unang drama series niya sa GMA-7 noong 2016, ang Oh My Mama!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Newcomer Sarah Edwards makes a strong impact in the movie Us Again, starring Jane Oineza and RK Bagatsing.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results