Ai-Ai delas Alas, Alden Richards, Ina Raymundo ginawaran ng Ani ng Dangal

by Jojo Gabinete
Feb 27, 2020
Kabilang sina Ai-Ai delas Alas, Alden Richards, at Ina Raymundo sa ginawaran ng Ani ng Dangal trophies sa awarding ceremony na ginanap sa Rizal Hall ng Malacañang Palace nitong Miyerkules ng hapon, February 26.
PHOTO/S: Instagram

Sina Ai-Ai delas Alas, Ina Raymundo, at Alden Richards ang ilan sa showbiz personalities na tumanggap ng Ani ng Dangal, ang parangal ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) para sa mga Filipino artist na nabigyan ng international recognition o awards para sa kanilang pagganap.

Si President Rodrigo Duterte ang personal na nag-abot kina Ai-Ai, Ina, at Alden ng tropeyo ng Ani ng Dangal sa awarding ceremony na naganap sa Rizal Hall ng Malacañang Palace nitong Miyerkules ng hapon, February 26.


Continue reading below ↓

Pinarangalan si Alden ng NCCA dahil sa Asian Star Prize na ipinagkaloob sa kanya sa Seoul International Drama Awards noong August 2019.

Ani ng Awards recipients sina Ai-Ai at Ina para sa best actress trophies na napanalunan nila noong March 2019 sa 39th Oporto International Film Festival ng Portugal.

Nag-tie ang dalawa sa best actress category—si Ai-Ai para sa role nito sa School Service at si Ina dahil sa pagganap niya sa Kuya Wes.


Continue reading below ↓

Hindi naman nakadalo si Judy Ann Santos sa Ani ng Dangal.

Awardee si Judy dahil sa best actress award niya mula sa 41st Cairo International Film Festival ng Egypt noong December 2019 para sa Mindanao.

Ani ng Dangal for Cinema awardees din sina Angeli Bayani, Barbara Miguel, Crisel Consunji, Dante Rivero, Jun Lana, Brillante Mendoza, Maxine Eigenmann, Rody Vera, at ang pumanaw na aktor na si Kristofer King.

Si Kristofer ay nagwaging best actor sa Asian International Film Festival and Awards noong May 2019 at sa 30th Singapore International Film Festival noong November 2019.

Dahil sa banta ng COVID-19, pinayuhan ng Malacañang Protocol ang lahat ng mga imbitado sa awarding ceremony ng Ani Ng Dangal na mag-fill up ng health declaration form.

Maaga rin ang calltime para sa awardees at mga bisita, na pinagbawalang magdala ng cellphone tablets at cameras kaya nakuntento na lang sina Ai-Ai, Alden, at Ina na magpakuha ng litrato sa entrance ng Malacañang Palace.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sina Ai-Ai delas Alas, Alden Richards, at Ina Raymundo sa ginawaran ng Ani ng Dangal trophies sa awarding ceremony na ginanap sa Rizal Hall ng Malacañang Palace nitong Miyerkules ng hapon, February 26.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results