Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Lorna Tolentino, dinepensahan si Coco Martin

by Jojo Gabinete
Feb 27, 2020
"Wala akong na-experience or nakita na may pangyayari na ganoon," ani Lorna Tolentino sa alegasyon ni Robin Padilla na hindi umano maganda ang trato ni Coco Martin sa mga katrabaho sa FPJ's Ang Probinsyano.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @cocomartin_ph Instagram

Genuine ang pagtataka na nagrehistro sa mukha ni Lorna Tolentino nang tanungin kung may nasaksihan siyang buhusan ng tubig sa taping ng FPJ's Ang Probinsyano.

Kaugnay ito ng alegasyon ni Robin Padilla kay Coco Martin, ang lead actor ng primetime action drama series ng ABS-CBN.

Sinabi ni Robin sa isang comment niya sa netizen na hindi umano maganda ang pagtrato ni Coco sa mga kasamahan nito sa set.

Isang halimbawa, ayon kay Robin, ay ang pagbuhos umano ni Coco ng tubig sa "mga crew na nakakatulog sa pagod" at sa "pagpatol sa babaeng location manager."

Nagtatakang pahayag ni Lorna: "Buhusan ng tubig? May nangyari ba sa totoong buhay na ganoon?

"Hindi ko alam, hindi ako informed diyan. Copycat lang pala yung ginawa ko, ganoon?"

Wala raw ganung insidente na nasaksihan si Lorna sa set ng FPJ's Ang Probinsyano.

"Wala akong experience na ganoon.

"Kasi nung mga nagpupuyatan din kami dahil kailangan yung mga pulitiko na tatakbo ay mawala na sa Ang Probinsyano, medyo nagpupuyat kami talaga.

Continue reading below ↓

"Wala naman akong nakitang ganoon. Wala akong na-experience or nakita na may pangyayaring ganoon."

Ang tanging alam ni Lorna ay siya ang nangbuhos ng tubig sa co-actor niya sa isang eksena ng Ang Probinsyano.

"Pitsel ng tubig, pinabawasan ko nga dahil punumpuno.

"Pinabawasan ko nga, sabi ko, 'Ano bang gusto niyo?'

"Sabi ko nga, 'Sobra naman yatang puno ito. Paano ko ito bubuhatin? Ang bigat,' sabi kong ganoon. 'So, puwede bang bawasan niyo nang konti?

MULTITASKING COCO

Dahil si Coco ang sangkot sa isyung lumaki at pinagpistahan dahil sa rebelasyon ni Robin sa social media, kinumusta kay Lorna ang kalagayan ngayon ng star ng FPJ's Ang Probinsyano.

Todo hands-on daw si Coco sa pagbuo ng bawat episode sa show.

"Talagang ang daming trabaho ang ginagawa ni Coco para sa produksiyon para mapaganda ang Probinsyano.

"Minsan nga, nakikita ko na talagang sobra yung stress niya na parang, 'Eto na naman, ginawa na natin 'to. Kailangan mag-isip naman tayo ng bago.'

Continue reading below ↓

"Naririnig ko lang, ha, kasi medyo malapit-lapit ang distansiya namin, na tuloy kung minsan, meron mga eksena na kailangan niyang isipin. “

"Basta makikita mo na siya mismo ang gagawa ng blocking ng lahat ng buong eksena. Siya ang nag-iisip para sa buong eksena.

"I feel na parang, siguro, yung sobra niyang talagang pagmamahal sa Ang Probinsyano sa four years na iyon, ayaw niyang basta na lang mawala o basta na lang mawalan ng saysay yung paghihirap nila sa apat na taon."

Continue reading below ↓

LORNA AS LILY

Kinamumuhian nang husto ang kontrabida character ni Lorna sa FPJ's Ang Probinsyano dahil sagad ang kasamaan nito.

Gumaganap siya bilang Lily, ang first lady na nilalansi ang asawa niyang pangulo ng bansa.

Pero kahit na maraming manonood ang nagagalit sa kanya, masaya si Lorna dahil naa-appreciate ng manonood ang role na pinaghirapan niya.

"Nakaka-drain talaga. Minsan, sa ginagawa ko, naiiyak ako.

"Kahit nanlilisik yung mata ko, teary-eyed pa rin ako.

"Kasi, parang sa puso mo, alam mo na minsan parang, 'Meron pa bang ganito? Meron bang ganitong tao?'

"Kaya lang, napa-pacify naman ako ng mga katrabaho ko rin na kapwa ko artista na sinasabi na marami silang ganyan."

Nangyari ang pagkukuwento ni Lorna tungkol sa mga karanasan niya sa taping ng FPJ's Ang Probinsyano sa renewal ng kanyang kontrata bilang ambassador ng Beautederm.

Ginanap ang event ngayong Huwebes, February 27, sa isang restaurant sa Quezon City.

Hindi nagdalawang-isip si Lorna na mag-renew ng kontrata sa kompanya ni Rhea Tan.

Continue reading below ↓

Dahil bukod sa effective ang mga produkto ng kompanya nito, isang malalim na pagkakaibigan ang nabuo sa kanilang dalawa mula nang maging celebrity endorser siya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wala akong na-experience or nakita na may pangyayari na ganoon," ani Lorna Tolentino sa alegasyon ni Robin Padilla na hindi umano maganda ang trato ni Coco Martin sa mga katrabaho sa FPJ's Ang Probinsyano.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @cocomartin_ph Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results