Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Judy Ann Santos, kasado na ang shooting ng biopic ni Mother Lily sa Mayo

by Jojo Gabinete
Feb 27, 2020
Judy Ann Santo, handa na sa pagganap bilang Mother Lily Monteverde sa biopic na ang pamagat ay Mother. Siya rin ang bida ng Embracing The Gift, isang pelikula na mala-Sixth Sense ang tema.
PHOTO/S: Noel Orsal

Itinanggi ni Regal Entertainment, Inc. executive producer Roselle Monteverde ang balitang hindi na matutuloy ang Mother, ang pelikula tungkol sa life story ng kanyang ina at legendary movie producer na si Mother Lily Monteverde.

Si Judy Ann ang napiling bida ng biopic sa produksiyon ng Regal Films.

Tiniyak ni Roselle na tuloy na tuloy sa May 2020 ang shooting ng movie.

Ayon kay Roselle, mag-uumpisa ang prinicipal photography ng Mother pagkatapos ng birthday ni Judy Ann sa May 11, 2020.

Idinagdag pa niyang maraming paghahanda ang ginagawa para sa kanilang epic movie dahil magkakaroon ng acting workshop ang mga artistang kasali rito.

Naghahanap din sila ng aktor na babagay para maging leading man ni Judy Ann.

Itinuwid ni Roselle ang maling balita para hindi malito ang publiko.

Nagpahayag din ng pagtataka ang kampo ni Judy Ann nang mabalitaan nilang hindi na umano matutuloy ang film bio ni Mother Lily, dahil walang rason para i-shelve ang proyekto.

Continue reading below ↓

Bukod sa Mother, pagbibidahan din ni Judy Ann ang Embracing The Gift, ang film adaptation ng libro na isinulat ni Jinky Amores, ang popular Filipino parapsychologist.

Ang parapsychologist ay ang eksperto sa pag-aaral ng psychic phenomenon tulad ng telepathy, precognition, clairvoyance, at telekenesis.

Si Erik Matti ang direktor ng Embracing The Gift, at project din niya ang Mother.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nang makausap ng Cabinet Files si Erik noong February 7, sinabi niyang uumpisahan ang shooting ng Embracing The Gift sa last quarter ng 2020 dahil mauuna nga ang filming ng Mother.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann Santo, handa na sa pagganap bilang Mother Lily Monteverde sa biopic na ang pamagat ay Mother. Siya rin ang bida ng Embracing The Gift, isang pelikula na mala-Sixth Sense ang tema.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results