Pahinga muna si JC de Vera sa mga commitment niya dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya noong Linggo, February 23.
Isinugod ang aktor sa isang ospital sa Quezon City dahil na-injure ang paa niya habang naglalaro ng basketball.
Sumailalim si JC sa operasyon kaya hirap itong maglakad at sumasakit ang paa niya kapag gumagalaw siya.
Hopefully, magiging maayos na ang kalagayan ni JC bago siya magdiwang ng 34th birthday sa March 10, at bago mag-umpisa sa March 17 ang shooting para sa Cinemalaya movie na pagbibidahan niya, ang Bakit Di Mo Sabihin.
Habang hindi pa siya nagtatrabaho, ang acting workshop para sa kanyang Cinemalaya entry ang haharapin ni JC dahil kailangan niyang matuto ng sign language bilang pipi ang karakter na gagampanan niya.
Si Real Florido ang direktor ng Bakit Di Mo Sabihin.
Ang kuwento nito ay tungkol sa mag-asawang pipi na nagdesisyon sa mga gagawin matapos maghiwalay dahil sa natuklasan kgatotohanan na walang kinalaman ang kapansanan nila sa pagwawakas ng kanilang relasyon.