Watch Now

Viva big bosses, hindi rin alam ang tungkol sa Christian wedding nina Sarah at Matteo

by Jojo Gabinete
Feb 29, 2020
(Left photo) Viva Entertainment's Vincent del Rosario and director Jason Paul Laxamana announce the creation of Ninuno Media; (right photo) Viva artists Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo surprised everyone, including their bosses in Viva, when they tied the not in a secret ceremony.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Instagram

Magsisimula ang prinicipal photography ng Penduko pagkatapos ng Mahal na Araw, ayon sa direktor na si Jason Paul Laxamana.

Ang Penduko ang unang pelikula na gagawin ni Matteo Guidicelli pagkatapos ng Christian wedding nila ni Sarah Geronimo noong February 20, 2020.

Sa tantiya ni Jason, 30 shooting days ang Penduko, pero hindi niya masabi kung ilang buwan ang itatagal dahil malalaki ang mga eksena.

Sinabi naman ni Viva Films executive Vincent del Rosario na titingnan nila ang posibilidad na isali sa Metro Manila Film Festival sa December 2020 ang Penduko.

"Nag-acting workshop kami ni Matteo noong Tuesday.

"Nagpaalam siya after, kasi may gagawin sila ni Sarah... para mamili ng gamit nila," sabi ni Jason nang kumustahin sa kanya si Matteo.

Parehong contract stars ng Viva Entertainment sina Sarah at Matteo.

Tinanong namin si Vincent kung may bagong project ang Viva Films para kay Sarah.

"Inaayos pa," sagot niya.

"Hindi pa namin siya nakakausap after nung concert nila ni Regine [Velasquez].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang sabi naman niya after nung concert, pahinga siya sandali and we can sit down for upcoming projects."

Itinanggi ni Vincent na may nalalaman sila tungkol sa secret Christian wedding ng bagong kasal.

"Hindi namin alam,” sabi niya.

Hindi rin daw ito alam ng ama ni Vincent na si Boss Vic del Rosario Jr.

"He was in a meeting in Podium when he was asked to come over," ani Vincent.

"Di ba, ang suspicion niyo, March pa?" sundot na tanong ni Jason habang nagsasalita si Vincent.

NINUNO MEDIA

Magkasamang humarap sina Vincent at Jason sa entertainment writers nitong Biyernes ng hapon, February 28, para sa announcement ng joint venture ng Viva Communications, Inc. at ng Ninuno Media.

Ang Ninuno Media ay ang media company na itinayo ng Viva Communications, Inc. at ng direktor ng Just A Stranger at 100 Tula Para kay Stella.

Ang sequel ng 100 Tula Para kay Stella, Aswang Country, at ang comic book series na Anitu ang tatlo sa mga project ng Ninuno Media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ninuno Media will also delve into other fields of entertainment among others books, graphic novels, comic books, even theater, concert, and music.

"All forms entertainment, even online series," paliwanag ni Jason tungkol sa mga plano ng kanilang kompanya.

Bakit Ninuno Media ang pangalan ng media outfit nila ng Viva?

Sagot ni Jason, "I dedicate it to our ancestors na parang binubuhay ko uli yung kultura, yung identity, yung heritage through this venture.

"For example, sa Pampanga noon, I organized an album of Kapampangan rock songs.

"Merong folk singers sa Pampanga na may original songs, so para kumalat sila sa youth, nag-organize ako ng local bands para gawing alternative version yung mga kanta nila.

"I was also active in making short films. Doon nga po ako nakapasok initially sa Cinemalaya, Cinema One Originals.

"Gumagawa ako ng Kapampangan scripts.

"It’s all about putting Kapampangan culture and language sa big screen or sa mass media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi ako, growing up, I didn’t really see a lot of Kapampangan things around me, and it contributed sa parang inferior na pagtingin ko sa sarili kong lahi.

"So, gusto kong matigil yun.

"So ngayon, sa Ninuno Media, gusto kong gawin yun, pero on a national scale, especially yung mga kabataan ngayon na Pilipino, medyo siguro mababa yung tingin nila sa sariling kultura.

"Mas favored nila yung mga foreign, kaya ito, parang national extension siya ng original advocacy ko," mahabang paliwanag ni Jason tungkol sa desisyon nitong buksan ang Ninuno Media.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left photo) Viva Entertainment's Vincent del Rosario and director Jason Paul Laxamana announce the creation of Ninuno Media; (right photo) Viva artists Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo surprised everyone, including their bosses in Viva, when they tied the not in a secret ceremony.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results