Public apology noon ni Matteo sa mga magulang ni Sarah, kagustuhan ni Mommy Divine?

by Jojo Gabinete
Feb 29, 2020
Pahupa na ang ingay ng pinagpistahang eksenang ginawa ni Divine Geronimo sa reception ng Christian wedding ng kanyang anak na si Sarah Geronimo at ng asawa nitong si Matteo Guidicelli.
PHOTO/S: Instagram / Screen grab from ABS-CBN

Gaya ng ibang malalaking showbiz scandals at controversies, pahupa na ang ingay ng pinagpistahang eksenang ginawa ni Divine Geronimo sa reception ng Christian wedding ng kanyang anak na si Sarah Geronimo at ng asawa nitong si Matteo Guidicelli.

Ginanap ang reception sa isang restaurant sa Bonifacio Global City noong February 20, 2020.

Nanahimik na rin si Jerry Tamara, ang close-in security ni Sarah na ipina-blotter si Matteo sa Taguig Police dahil sa reklamong sinuntok siya ng aktor.

Wala nang narinig kay Tamara mula nang magsadya siya sa radio program ni Raffy Tulfo noong February 24, 2020.

Sa pakikipag-usap sa kanya ni Tulfo, nanindigan si Tamara na totoong sinuntok siya ni Matteo at nakunan ito ng CCTV cameras ng restaurant.

Tila hindi na kailangan ng kopya ng CCTV ng restaurant dahil isang saksi ang may hawak ng video na makapagpapatunay na hindi sinaktan ni Matteo si Tamara, na dahilan ng biglaang pananahimik ng huli.

Continue reading below ↓

Pagkatapos ng pagsusumbong ni Tamara kay Tulfo, lumantad naman sa TV Patrol si Letty Fuentes, ang relationship counselor nina Sarah at Matteo.

Sa exclusive interview ni MJ Felipe kay Fuentes, ikinuwento nito ang mga eksena ng pagwawala ni Divine na nasaksihan niya.

May mga nag-akalang may permiso ng bagong kasal ang pagsasalita ni Fuentes sa primetime news program ng ABS-CBN, pero pinatotohanan ng isang insider na kusang-loob ang paglantad ng relationship counselor kaya nalaman ng publiko ang ibang bersiyon ng kuwento.

MATTEO'S PUBLIC APOLOGY

Dahil sa naganap na kaguluhan, naungkat ang public apology ni Matteo sa mga magulang ni Sarah noong November 2019.

Sa kanyang Facebook post noong November 14, 2019, inihayag ni Matteo ang paghingi niya ng paumanhin sa ina at ama ni Sarah.

Bahagi ng mensahe ng aktor: "Tito Delfin and Tita Divine, if there have been hard feelings or events that were not supposed to happen in the past, I humbly apologize.

Continue reading below ↓

"I assure you that I will give Sarah a happy life with the best of my capabilities. With pure, honest love and respect.

"We wish to move forward with our life plans and begin this brand new chapter of our life.

"Mahal na mahal ko po si Sarah. Mahal ko din po kayung magulang nya at mga kapatid nya. Hangad ko po na maging isang pamilya tayo.

"Pangako ko po na aalagan ko si Sarah na kapareho ng pangangalaga nyo sa kanya."

Hinangaan si Matteo sa pagpapakumbabang ipinamalas nito noon.

Pero may mga nagtaka dahil ginamit niya ang social media para iparating sa mga magulang ni Sarah ang kanyang mensahe.

Ang katuwiran ng mga nagtataka, puwedeng-puwedeng makipag-usap si Matteo nang personal o magpadala siya ng text message kina Divine at Delfin, para hindi na nalaman ng publiko ang mga personal na nangyayari sa buhay nila.

Isang nakakaalam sa tunay na pangyayari ang nagsabi na, diumano, kagustuhan ni Divine na mag-post si Matteo sa social media ng public apology para sa kanila ng kanyang fiancée pa lang noon.

Continue reading below ↓

Ginawa raw ito ng aktor dahil sa sobrang pagmamahal kay Sarah.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pahupa na ang ingay ng pinagpistahang eksenang ginawa ni Divine Geronimo sa reception ng Christian wedding ng kanyang anak na si Sarah Geronimo at ng asawa nitong si Matteo Guidicelli.
PHOTO/S: Instagram / Screen grab from ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results