Lorna Tolentino, nalungkot sa paglilipat ng mga gamit ng yumaong asawang si Rudy Fernandez

by Jojo Gabinete
Mar 1, 2020
Lorna Tolentino on late husband Rudy Fernandez: "Ini-imagine ko yung mga ka-age niya, kung ano yung look niya by now, kung 68 na siya, ano na kaya ang hitsura niya. Ini-imagine ko pa rin nung bago siya namatay. Yung look na iyon, yung hitsura niya."
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Gugunitain sa March 3, Martes, ang 68th birth anniversary ng action superstar na si Rudy Fernandez.

Pumanaw si Rudy, sa edad na 56, noong June 7, 2008 dahil sa periampullary cancer.

Kahit halos 12 taon na ang nakalilipas mula nang mamayapa si Rudy, hindi nawawala kay Lorna Tolentino ang alaala ng kanyang mahal na asawa.

In fact, may pagkakataong iniisip ni Lorna ang hitsura o physical appearance ni Rudy kung nabubuhay pa ito sa edad na 68.

"Ini-imagine ko yung mga ka-age niya, kung ano yung look niya by now, kung 68 na siya, ano na kaya ang hitsura niya.

"Ini-imagine ko pa rin nung bago siya namatay. Yung look na iyon, yung hitsura niya.

"Lagi ko naman sinasabi, si Rudy, si Daboy yung pinakamabango, pinakamalinis.

"Naku, sigurado, endorser ng Beautederm yun, for sure, kasi talagang siya yung makikita mo na walang hindi bagay sa katawan, sa mukha niya.

"And talaga naman banidoso rin si Rudy, kaya I’m sure, mame-maintain niya yung look na iyon kung buhay pa siya," sabi ni Lorna.

Continue reading below ↓

LETTING-GO PROCESS

Hindi na mawawala kay Lorna ang lungkot na nararamdaman dahil sa pagpanaw ng soulmate niya.

Muling nadagdagan ang lungkot ni Lorna nang mapag-usapan ang paglilipat niya ng gamit para sa reconstruction ng bahay nila sa Quezon City.

"Hindi na mawawala yun, lalo na ngayon kasi maglilipat ako.

"Yung mga gamit niya, kailangan ko na talagang i-pack at ilipat sa office namin sa Sct. Rallos [Quezon City].

"Nandoon ang lahat ng mga gamit ni Daboy."

Tuloy na tuloy na ang plano ni Lorna na ipagawa ang bahay nila sa Quezon City, para magkaroon ng responsibilidad ang kanyang mga anak na sina Rap at Renz Fernandez.

Nabanggit ni Lorna sa contract signing niya bilang ambassador ng Beautederm na nakakaramdam siya ng pressure, dahil may kausap nang arkitekto si Renz para sa bahay na ipapatayo sa compound ng kanilang tahanan.

"Nape-pressure ako, kasi si Renz, meron nang arkitekto.

"Kasi idi-divide namin yung main house. So, nape-pressure ako.

Continue reading below ↓

"[Sabi ni Renz], 'May architect na ako, Ma! Kausapin mo.’

"'Sandali, kailangan collaboration tayo,'" lahad ni Lorna tungkol sa kanyang anak na excited nang matupad ang pangarap magkaroon ng sariling bahay.

Sabi pa ng aktres, "May kakausapin ako na architect for me.

"Makikipag-meeting ako para sabihin sa kanila papaano namin gagawin na meron siyang sarili niya, meron akong sarili ko.

"Ngayon ko lang naisip din na ang kailangan sa akin, more of a senior-friendly home.

"Dumarating tayo sa point na mahihirapan na tayong umakyat ng hagdanan, so sana, one level lang yung sa akin."

Inamin ni Lorna na letting-go process para sa kanya at sa mga anak nila ni Rudy ang pagpapagiba sa kanilang lumang bahay at pagpapatayo ng bago.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lorna Tolentino on late husband Rudy Fernandez: "Ini-imagine ko yung mga ka-age niya, kung ano yung look niya by now, kung 68 na siya, ano na kaya ang hitsura niya. Ini-imagine ko pa rin nung bago siya namatay. Yung look na iyon, yung hitsura niya."
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results