Alagang pusa ni Gina Pareño, magkaiba ang kulay ng mga mata

by Jojo Gabinete
Mar 1, 2020
Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang mapulot ni Gina Pareño sa kalye ang pusa niyang si Mingkay, pero noong January 2020 lamang niya napansin ang stunning colors ng mga mata ng kanyang alaga.
PHOTO/S: Noel Orsal / Facebook

Heterochromia ang tawag sa kundisyon ng mga tao at hayop na magkaiba ang kulay ng mga mata.

Hindi pamilyar ang veteran actress na si Gina Pareño tungkol sa heterochromia, kaya ang buong akala niya, normal lang na berde at orange ang kulay ng mga mata ng kanyang pet cat na si Mingkay.

Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang mapulot ni Gina sa kalye si Mingkay, pero noong January 2020 lamang niya napansin ang stunning colors ng mga mata ng kanyang alaga.

"Sabi ko, 'Bakit ganito ang kulay ng mata ni Mingkay?'

"Bumaba ako sa lanai, dun ang kuwarto niya. Nakita ko nga, nag-iiba-iba pala ang ang kulay ng mata niya."

Dahil sa tuwa, inilagay ni Gina sa Facebook account nito ang litrato nila ni Mingkay.

Umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga kaibigan at followers niya.

"Natuwa ako. Ang daming tumatawag sa akin, sabi nila, 'Ano ‘yan?'

Continue reading below ↓

"Ang sabi sa akin ni Direk Jeffrey Jeturian, ‘Mama, huwag mong lagyan ng contact lens ang mata ng pusa mo.'

"Sabi ko, 'Gago ka ba? Mahal, totoo ‘yan!'" natatawang kuwento ni Gina sa Cabinet Files.

Ayon sa www.icatcare.org., malaki ang posibilidad na bingi ang karamihan sa mga odd-eyed cat.

Pero itinanggi ito ni Gina.

Sabi niya tungkol kay Mingkay, "Hindi siya bingi. Kapag tinawag ko na Mingkay, lumilingon agad siya.

"Hindi siya bingi at malakas makaramdam.

"Kapag umaakyat ako sa hagdan, nagtatago ako paakyat, tumitingala siya sa akin.

"Hindi ko na siya pinatingnan sa doktor."

Patuloy ni Gina, "Si Mingkay lang ang pusa na alaga ko. Puro aso ang alaga ko.

"Sa kuwarto ko, apat ang aso, tapos yung anak ko na si Raquel, may isang shih tzu.

"Tapos sa baba ng bahay, sa garden, anim ang Labrador dogs ko.

"Sila na lang ipinagtatrabaho ko. Ang mahal ng pagkain nila.

Continue reading below ↓

"Sa injection pa lang, home service sila ng doktor.

"Dati, ipinadadala ko sila sa veterinary clinic.

"Pero nang mawala yung driver ko, sinabi ko sa doktor na pumunta na lang sa bahay ko para hindi na ako pabalik-balik sa clinic niya," kuwento ni Gina tungkol sa kanyang mga alaga na, diumano, mas loyal kesa mga tao.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang mapulot ni Gina Pareño sa kalye ang pusa niyang si Mingkay, pero noong January 2020 lamang niya napansin ang stunning colors ng mga mata ng kanyang alaga.
PHOTO/S: Noel Orsal / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results