Panganganak ni Anne Curtis, di sinasadyang na-leak ni Nico Bolzico

by Jojo Gabinete
Mar 2, 2020
Isinilang ni Anne Curtis ang panganay na anak nila ni Erwan Heussaff sa isang ospital sa Melbourne, Australia, ngayong Martes ng hapon, March 2.
PHOTO/S: Shaira Luna / Anne Curtis Instagram

Isinilang ni Anne Curtis ang panganay na anak nila ni Erwan Heussaff sa pamamagitan ng normal delivery sa isang ospital sa Melbourne, Australia, ngayong Lunes ng hapon, March 2.

Ang brother in-law ni Erwan na si Nico Bolcizo ang isa sa mga nagkumpirma ng balitang nanganak na si Anne.

Hindi pa naglalabas ng official statement sina Anne at Erwann tungkol sa bagong blessing na dumating sa buhay nila.

Nagpahinga si Anne noong December 2019 sa lahat ng kanyang mga showbiz commitment para mapaghandaan ang pagsisilang sa anak nila ni Erwan.

Huling napanood si Anne sa It’s Showtime noong February 17, ang araw ng 35th birthday niya, dahil sa live interview sa kanya ng mga kasamahan sa noontime program ng ABS-CBN.

Hindi napigilan ni Anne na mapaluha dahil miss na miss na niya ang It’s Showtime family at ang madlang-people.

Sa naturang interview, sinabi ni Anne na konting kembot na lang, lalabas na yung bagong diyosa at nangyari nga ito ngayon—March 2.

Continue reading below ↓

"I’m very happy, I get to spend time with my mom and kasama ko na rin yung asawa ko, si Erwan, nandito na rin. Super relaxed lang.

"Pero missed na missed ko na rin kayo, pero I’m just so happy that I get to have this time talaga to focus and prepare myself to become a mom,” pahayag ni Anne sa huling live appearance niya sa It’s Showtime.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isinilang ni Anne Curtis ang panganay na anak nila ni Erwan Heussaff sa isang ospital sa Melbourne, Australia, ngayong Martes ng hapon, March 2.
PHOTO/S: Shaira Luna / Anne Curtis Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results