Alfred Vargas, masaya sa pagkakapasok ng Tagpuan sa 1st Metro Manila Summer Film Festival

by Jojo Gabinete
Mar 2, 2020
Alfred Vargas on his film Tagpuan being chosen as one of the official entries in the 1st Metro Manila Summer Film Festival: "I am ultimately delighted to know that Tagpuan made it to the final 8 of the first ever MMFF Summer run!"
PHOTO/S: Instagram

Tuwang-tuwa si Alfred Vargas nang malaman nitong pasok sa eight official entries ng 1st Metro Manila Summer Film Festival (MMSFF) ang Tagpuan, ang pelikulang pinagbibidahan nila nina Iza Calzado at Shaina Magdayao.

Para kay Alfred, malaking karangalang makahanay ang Tagpuan sa ibang mga pelikulang official entry sa 1st MMSFF, at tinatampukan ng mahuhusay na aktor tulad nina Nora Aunor, Phillip Salvador, Dingdong Dantes, among others.

Mensahe ng actor-politician, "I am ultimately delighted to know that Tagpuan made it to the final 8 of the first ever MMFF Summer run!

"Thank you to the screening committee for giving this wonderful and heartfelt film a chance.

"Thanks also to my co-stars Iza Calzado and Shaina Magdayao, Direk Mac Alejandre, and Ricky Lee.

"Sobrang saya ko sa balitang ito.

"I am honored to be part of this festival alongside the best actors and actresses in the industry.

"Very promising ang line-up ng films and congratulations to all the other seven entries!

Continue reading below ↓

"Nood po tayo ng MMFF Summer 2020!"

Ang Quezon City government ang host ng 1st Metro Manila Summer Film Festival kaya dumalo si Mayor Joy Belmonte sa announcement ng walong official entries sa Novotel ngayong hapon, March 2.

Inihayag ni Belmonte na magaganap sa April 4 ang seven-kilometer Parade of Stars ng MMSFF, na mag-uumpisa sa Welcome Rotonda at matatapos sa Quezon Memorial Circle.

Isasara ang eastbound direction ng Quezon Avenue, mula alas-dose ng tanghali hanggang alas-otso ng gabi, para sa Parade of Stars.

Magtatalaga ang Quezon City government at ang MMDA ng traffic enforcers para matiyak na hindi magiging mahigpit ang daloy ng trapiko habang nagaganap ang parada ng mga artista.

Opisyal na magsisimula ang Metro Manila Summer Film Festival sa Black Saturday, April 11, at magwawakas sa April 21, 2020.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alfred Vargas on his film Tagpuan being chosen as one of the official entries in the 1st Metro Manila Summer Film Festival: "I am ultimately delighted to know that Tagpuan made it to the final 8 of the first ever MMFF Summer run!"
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results