Darren Espanto, di natuloy sa The Singer sa China dahil sa COVID-19

by Jojo Gabinete
Mar 3, 2020
Kasali dapat si Darren Espanto sa singing competition na The Singer sa China, ngunit hindi natuloy ang paglipad niya roon dahil sa coronavirus scare.
PHOTO/S: Darren Espanto Instagram

Ang coronavirus o COVID-19 scare at ang travel ban sa China ang dahilan kaya hindi natuloy ang pagpunta ni Darren Espanto sa China para sana sa singing competition na The Singer.

Ang naudlot na China trip ni Darren ang napag-usapan nang ipakilala siya bilang millennial ambassador ng men’s line ng Beautederm Corporation nitong Martes ng tanghali, March 3.

"Not officially announced pero, yun nga po, I can’t talk about it much now.

"Pero I was supposed to go nga po sa China, and hindi po natuloy dahil sa coronavirus and all the travel ban.

"And I think, it’s safer that way po na hindi muna lumipad.

“But hopefully, kung maalis yung ban, matuloy po, and we’ll see what happens,” ang sagot ni Darren, na naranasan nang mag-perform sa The Singer noong April 2019.

Ang The Singer ang singing competition sa China na naging popular sa Pilipinas dahil sa pagsali ni KZ Tandingan noong January 2018.

Continue reading below ↓

Naging matapat si Darren nang sabihin nitong nadismaya siya sa nakanselang biyahe niya sa China at pagsali sa The Singer.

"Of course, it’s a bit disappointment po.

"Pero para sa akin, masaya ako na nakapag-guest ako last year sa show na The Singer and, for me, yung experience na yun was enough para sa akin.

"Hopefully ay matuloy nga and ma-bless po tayo.

"Right now, yung show na The Singer is already aired in China, and hindi ko po alam kung maihahabol pa po ako sa challenges.

"So I can’t really say much about it right now."

DARREN'S LOVE LIFE

Dahil 18 years old na si Darren, tinanong din siya ng entertainment press tungkol sa estado ng kanyang love life.

Noong November 2019, headline ng mga gossip column ang pagkaka-link niya kay Cassy Legaspi, ang anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.

Sagot niya, "Para sa akin, kung darating, darating iyon nang hindi pinipilit, and yung hindi mo ine-effort na hanapin.

Continue reading below ↓

"And I guess, that’s something na natutunan ko na rin po growing up."

Sabi naman ni Darren tungkol sa pagkakaugnay niya sa anak nina Zoren at Carmina, "Cassy Legaspi and I are very good friends."

Idinagdag naman ni Rhea Tan, ang CEO ng Beautederm, na nakakatanggap siya ng mga suggestion na kunin niya rin si Cassy bilang endorser dahil sa fans na sumusuporta sa CasRen (Cassy and Darren) loveteam.

Para kay Rhea, pangarap na natupad na maging endorser si Darren ng kanyang kompanya dahil bukod sa mabait, nasaksihan niya ang malakas na hatak at popularidad ng young singer sa mga kabataan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasali dapat si Darren Espanto sa singing competition na The Singer sa China, ngunit hindi natuloy ang paglipad niya roon dahil sa coronavirus scare.
PHOTO/S: Darren Espanto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results