Frontrow International, naglabas ng statement sa reklamo ng dating miyembro

by Jojo Gabinete
Mar 5, 2020
Dumulog si Dave Villanueva sa programang Wanted Sa Radyo upang ireklamo ang executives ng Frontrow International, kung saan siya dating miyembro. Ayon kay Villanueva, hindi ibinigay sa kanya ng Frontrow officials ang mga perang kinita niya mula pa noong October 2019.
PHOTO/S: Screengrab from Wanted Sa Radyo

Walang plano ang Frontrow International na sagutin ang mabibigat na paratang ng kanilang dating miyembro na si Dave Villanueva.

Ang Frontrow International ay isang direct-selling o networking company.

Founder nito si Samuel Verzosa at ang theater/television/movie actor na si Raymond "RS" Francisco.

Kahapon, March 4, mangiyak-ngiyak na inilapit ni Villanueva ang kanyang problema at mga hinaing laban kina RS at Verzosa sa Wanted Sa Radyo, ang public service program ni Raffy Tulfo.

Ayon kay Villanueva, hindi umano ibinibigay sa kanya ng Frontrow officials ang mga perang kinita niya mula pa noong October 2019.

Sinisiraan din daw siya sa social media ng mga executive ng kompanya, at hindi raw siya pinapayagang magbitiw bilang miyembro ng Millionaire’s Club ng Frontrow kahit gusto na niyang maghanap ng ibang trabaho.

Paratang pa ni Villanueva ay hindi naman umano epektibo ang mga gamot na ibinibenta ng Frontrow International.

Paglalahad ni Villanueva ng simula ng koneksyon niya sa Frontrow: "Nag-viral po yung story ko.

Continue reading below ↓

"Dati po akong maitim, mataba, maraming taghiyawat, and nag-transform po yung itsura ko.

"Na-feature ako, at may tumawag po sa akin, which is yung owner ng Frontrow, si Sir Raymond Francisco.

"Tapos, tinanong kung nabanggit ba na gumamit ako ng product nila.

"Ang sabi ko, galing sa kaibigan ko yung natira.

"Sinubukan ko naman, pero sobrang mahal, hindi naman ganoon ka-effective sa ibang products na sinubukan ko.

"Kinuha na lang nila yung story na iyon."


"Pinangakuan po nila ako na ihihilera po ako sa Frontrow Gems na ipinagmamalaki nila.

"Ito po yung mga artista na binayaran ni Frontrow para mag-endorse, kung saan bibigyan daw ako ng billboard.

"Bibigyan daw po ako ng isang taong supplies ng products nila, and kahit lifetime nga daw po.

"Pero ang nangyari, isang taon lang ang ibinigay sa akin," pahayag ni Villanueva.

Ayon din kay Villanueva, maraming miyembro diumano ng Frontrow International ang nahatakan ng mga sasakyan na binayaran nila, pero hindi nakapangalan sa kanila.

Tinanong ni Tulfo kung saan napunta ang mga sasakyan.

Sagot ni Villanueva, “Marami pong nahatakan ng mga sasakyan.

"Kumbaga, hindi na po naibalik sa kanila ang mga ibinayad sa kanila.

"Ipinapasok po sa ibang tao [ang mga sasakyan] at nagbabayad po uli yung mga taong ‘yon.

"Nagiging negosyo na lang po ulit ito.

"Kumbaga, yung kotse na ginamit ko is secondhand na po. Meron nang unang gumamit, ipinasa na lang po sa akin.

Continue reading below ↓

"Networking is always about bragging.

"May actual Ferrari po na ipapakita sa 'yo para maiparamdam sa 'yo na, someday, magkaka-Ferrari ako.

"Pero ang tunay na proseso po ay tulad nang ginawa nilang proseso sa mga sasakyan na nakuha ko.

"Kailangan mo na mag-downpayment, pero kailangan mong bayaran ng monthly pa rin.

"Hindi po instant ang resulta sa networking kung hindi ka mag-i-invite, kung hindi ka magpupuyat, magpapalaki ng grupo.”

Mula nang lumantad si Villanueva sa programa ni Tulfo, may mga miyembro ng Frontrow International na nagkomento, sa YouTube Channel ng Raffy Tulfo in Action, na nagkaroon din sila ng similar experience.

FRONTROW STATEMENT

Nakasaad sa official statement ng Frontrow International na ang kapakanan ng kanilang mga miyembro ang pinangangalagaan nila.

Kaya hindi raw nila hahayaang magka-epekto sa Frontrow partners ang aksyon ng ibang mga distributor.

"With our ongoing issue concerning our ERRING former FRONTROW DISTRIBUTOR, we are advised by our legal team to restrain from reacting further on social media and from releasing any more statements, especially on television.

Continue reading below ↓

"Going public on any form of media is certainly not the proper way of handling a problem legally, and will not solve anything.

"Rest assured that our current issue of concern is being handled by our team of lawyers and that corresponding actions are being filed.

"The truth will be revealed and appropriately dealt within the four walls of court," bahagi ng Frontrow International official statement.

Narito ang kabuuang statement ng Frontrow International:

Continue reading below ↓

HIGH-PROFILE ENDORSERS

Isa sa mga pinaka-agresibong networking companies ang Frontrow International.

Gumagamit ito ng mga sikat na personalidad bilang endorsers upang magbenta ng kanilang produkto.

Sina Vice Ganda, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Catriona Gray, Gary Valenciano, at Floyd Mayweather Jr. ang ilan sa mga sikat na celebrity ambassadors ng Frontrow International.

Noong November 2019, ipinagdiwang ng Frontrow International ang 10th anniversary nito sa pamamagitan ng isang engrandeng show sa Philippine Arena.

Ilan sa invited performers sina Vice Ganda, Anne Curtis, Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Gary Valenciano, Catriona Gray at Jessica Sanchez.

Major sponsor din ang Frontrow International sa mga beauty pageant, tulad ng Miss Universe at ng 1st Miss Universe Philippines na magaganap sa May 2020.

Nag-produce ang kompanya ng pelikula (Bhoy Intsik, 2017) at stageplay (M Butterfly, 2018), na parehong pinagbidahan ni RS Francisco noong 2017 at 2018.

May co-production venture din ang Frontrow International sa ibang mga movie outfits.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dumulog si Dave Villanueva sa programang Wanted Sa Radyo upang ireklamo ang executives ng Frontrow International, kung saan siya dating miyembro. Ayon kay Villanueva, hindi ibinigay sa kanya ng Frontrow officials ang mga perang kinita niya mula pa noong October 2019.
PHOTO/S: Screengrab from Wanted Sa Radyo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results