Marco Gumabao, hindi handang panoorin ang daring scenes niya sa Hindi Tayo Pwede

by Jojo Gabinete
Mar 6, 2020
Marco Gumabao (kanan), proud kung paano nila naitawid ni Lovi Poe (gitna) ang kanilang unforgettable kissing scene sa Hindi Tayo Pwede: "[If] you find out that two people who love each other kissed with tongue, kiss with tongue is hindi na nakakagulat." Kasama sa larawan si Tony Labrusca.
PHOTO/S: Noel Orsal

Sa mga pelikulang nagbukas sa mga sinehan noong Miyerkules, March 4, ang Hindi Tayo Pwede ang number one o nanguna sa box-office race.

Kaya tuwang-tuwa si Marco Gumabao na hindi makapaniwala sa magandang balitang natanggap niya nitong Huwebes ng hapon, March 5.

"Nakakatuwa naman! Nakaka-proud na lahat ng mga pinaghirapan namin, sobra-sobrang sulit!

"Thankful ako kay Lord for this project," pahayag ng Viva actor.

Si Marco ang isa sa mga kapareha ni Lovi Poe sa bagong pelikula ng award-winning director na si Joel Lamangan. Ang isa pa ay si Tony Labrusca.

Obviously, nakatulong sa success ng Hindi Tayo Pwede ang positive reviews at ang pinag-uusapang mapangahas na love scene nina Lovi at Marco, lalo na ang halikan nila na hindi raw bago sa dalawang tao na nagmamahalan.

"When you kiss a person, if you find out that two people who love each other kissed with tongue, kiss with tongue is hindi na nakakagulat."

Continue reading below ↓

Inamin ni Marco na hindi siya handang mapanood ang sarili sa mga intimate at sexy scenes tulad ng butt exposure niya sa Hindi Tayo Pwede.

"Sa totoo lang, hindi ako ready na panoorin. Nakakatawa na panoorin ang sarili mo.

"I think never ako masasanay, pero nakakatuwa, kasi alam namin ni Lovi ang process before doing the love scene.

"Nakakatuwa na makita na it was tastefully done. Thankful ako kay Direk Joel for the guidance."

Sabi pa ni Marco, masaya siya dahil nabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho ang isa sa mga mahuhusay at iginagalang na direktor sa Pilipinas.

Ang Hindi Tayo Pwede ay isa lamang sa iba pang gagawing pelikula ni Marco para sa 2020.

Siya ang leading man ni Bela sa Philippine adaptation ng South Korean movie na Spellbound.

Natapos na rin ni Marco ang kanyang shooting para sa Rooftop, ang horror movie ni Yam Laranas.

Si Yam din ang naging direktor ni Marco sa 2018 Metro Manila Film Festival entry na Aurora.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marco Gumabao (kanan), proud kung paano nila naitawid ni Lovi Poe (gitna) ang kanilang unforgettable kissing scene sa Hindi Tayo Pwede: "[If] you find out that two people who love each other kissed with tongue, kiss with tongue is hindi na nakakagulat." Kasama sa larawan si Tony Labrusca.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results