Mylene Dizon, nag-taping sa tahanang saksi sa pagmamahalan noon nina Nora Aunor at Richard Merk

by Jojo Gabinete
Mar 6, 2020
Mylene Dizon (kaliwa) tinawag na "surreal" ang makatrabaho si Superstar Nora Aunor (kanan): "Nahuli ko yung sarili ko... Sabi ko, 'Teka, naka-smile ako.' Parang, 'Oh my goodness! I'm really here in front of her, doing scenes with her."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Noel Orsal

Nagkasakit ang anak ni Mylene Dizon nang mangyari ang grand presscon para sa Bilangin Ang Bituin Sa Langit, noong February 11, kaya hindi siya nakadalo rito.

Pero nakapanayam siya ng press, kabilang ang Cabinet Files, sa March 4 taping ng Bilangin ang Bituin Sa Langit sa Scout Limbaga Street, Quezon City.

Dito ikinuwento ni Mylene ang excitement niya sa unang pagsasama nila ng veteran actress na si Nora Aunor sa isang television series.

Hindi raw niya matanggihan ang proyekto dahil katuparan ito ng kanyang matagal nang pangarap na makatrabaho ang Superstar ng bansa.

"Ngayon lang ako nagkaroon ng offer na kasama si Ate Guy," tukoy ni Mylene kay Nora, na kilala bilang Ate Guy.

"First time ko, and I’m like, naisip ko, fan niya ang mommy ko."

Lumaki raw si Mylene sa Kislap, ang fan magazine kung saan madalas mai-feature noon si Nora.

"Kulang na lang i-plastic cover ni Mommy yung Kislap!" napapangiting kuwento pa ni Mylene.

Continue reading below ↓

Hindi raw niya maiwasang kiligin sa unang eksena nila ni Nora.

"In the beginning, nakangiti ako. Nahuli ko yung sarili ko na dapat serious, dapat paiyak iyon.

"Sabi ko, 'Teka, naka-smile ako.' Parang, 'Oh my goodness! I'm really here in front of her, doing scenes with her.'

"It’s not starstruck, more of surreal, kasi parang nakikita mo lang siya growing up, sa magazines, sa piling-piling pelikula… parang, 'Totoo ba ito?'"

Nang tanungin kung umubra sa kanya ang magic ng mata ni Nora, sumagot si Mylene ng "Yun ang inabangan ko talaga."

Patuloy ni Mylene, "Totoo nga ang tsismis. Kapag tumitig na siya sa 'yo, ikaw yung, 'Ohhhh...'

"Hindi intimidating, it’s not scary, it’s not something to be nervous about.

"You’re not scared, you’re not really nervous. It’s surreal.

"This is my only chance to be with her, to share with her same space, so I had to say yes.

"And whenever there’s an opportunity to sit with her while waiting for the set to be finished setting up, I would [sit with her]."

Continue reading below ↓

Ginanap noong March 4 ang taping ng Bilangin Ang Bituin sa Langit sa building na inuupahan ni Nora sa Scout Limbaga Street, Quezon City, noong mid-'80s.

Pero hindi kasama si Nora sa eksenang kinunan doon kaya hindi niya nabisita ang dating tahanan.

Saksi ang tahanang iyon sa pagmamahalan noon nina Nora at Richard Merk, pati na rin sa relasyon nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

Alam namin ang kuwento dahil personal naming nasaksihan ang pagbisita nina Richard at Ramon, pati na ang pagdating ng mga pulis na namamasko kay Nora dahil December noon.

Madaling puntahan ang bahay ni Nora sa Scout Limbaga na tabing kalsada lamang, kaya malayang napupuntahan ng fans at ng mga humihingi ng tulong sa kanya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mylene Dizon (kaliwa) tinawag na "surreal" ang makatrabaho si Superstar Nora Aunor (kanan): "Nahuli ko yung sarili ko... Sabi ko, 'Teka, naka-smile ako.' Parang, 'Oh my goodness! I'm really here in front of her, doing scenes with her."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results