Alfred Vargas, pabor bang i-postpone ang 1st Metro Manila Summer Film Festival dahil sa COVID-19 scare?

by Jojo Gabinete
Mar 9, 2020
Quezon City Representative Alfred Vargas on 1st Metro Manila Summer Film Festival: "Higit sa pagnanais nating makapagbigay ng ikalilibang na panoorin ng sambayanan, pangunahing interes natin ang seguridad sa kalusugan ng lahat ng ating manonood."
PHOTO/S: Instagram

Kinakansela na ang mga concert, ibang pagtitipon, at ang mga klase sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas dahil sa banta na hatid ng coronavirus (COVID-19),

Kaugnay nito, minabuti naming tanungin si Quezon City District V House Representative Alfred Vargas kung nararapat bang ipagpaliban muna ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Executive Committee ang pagdaraos ng 1st Metro Manila Summer Film Festival (MMSFF).

Nakatakdang ganapin ang 1st MMSFF sa April 11 hanggang April 21, 2020.

Ang Tagpuan na pinagbibidahan nila nina Iza Calzado at Shaina Magdayao ang official entry ni Alfred sa 1st MMSFF.

Bilang mambabatas at artistang may pelikulang kalahok sa MMSFF, nasa posisyon si Alfred para magbigay ng opinyon tungkol sa isyu dahil apektado ng COVID-19 scare ang mga pelikula at sinehan.

Pahayag ng actor-politician, "Imumungkahi po natin sa pamunuan ng MMDA at ng MMFF na pag-aralang mabuti ang pagpapatupad ng mga schedule ng Summer Festival dahil sa tumitinding banta ng COVID-19.

Continue reading below ↓

"Higit sa pagnanais nating makapagbigay ng ikalilibang na panoorin ng sambayanan, pangunahing interes natin ang seguridad sa kalusugan ng lahat ng ating manonood.

"Kung matitimbang nating hindi na malakas ang banta ng COVID-19, wala akong nakikitang dahilan para hindi ituloy ang Summer Film Festival.

"Pero kung lumala ito in the next few weeks, at wala pa rin mahanap na agad na solusyon para ma-contain at malunasan, baka mas mabuting ipagpaliban o i-postpone na lang muna ang paglulunsad ng Summer MMFF, hanggang makita natin na nagiging maayos na ang kabuuang sitwasyon."

Dahil siya ang house representative ng District V ng Quezon City, inalam din namin kay Alfred ang precautionary measures nito laban sa COVID-19 na ibinabahagi rin niya sa lahat, hindi lamang sa kanyang constituents.

Aniya, "For better personal hygiene practices, wash hands always, do not touch face with hands at laging magdala ng alcohol, wipes, tissue, at mask.

"For better general health, mag-take ng vitamins, iwasang magpuyat at mag-exercise nang regular.

Continue reading below ↓

"Iwasan muna ng ating mga kababayan ang large crowds at kung puwede, manatili muna sila sa kanilang mga tahanan."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Quezon City Representative Alfred Vargas on 1st Metro Manila Summer Film Festival: "Higit sa pagnanais nating makapagbigay ng ikalilibang na panoorin ng sambayanan, pangunahing interes natin ang seguridad sa kalusugan ng lahat ng ating manonood."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results