Paolo Ballesteros, nanibago sa pagkawala ng studio audience sa Eat Bulaga

by Jojo Gabinete
Mar 11, 2020
Paolo Ballesteros (center) on hosting Eat Bulaga! without the studio audience: "Nakakapanibago na walang nakikitawa at nakikisayaw sa amin na audience."
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook

Ramdam na ramdam ng mga host ng Eat Bulaga! ang malaking pagbabago mula nang magdesisyon ang TAPE Inc. management noong March 9, Lunes, na huwag munang tumanggap ng studio audience sa live broadcast ng kanilang noontime program.

Ang desisyong ito ay bilang precautionary measure laban sa banta ng COVID-19.

Aminado ang Eat Bulaga! co-host na si Paolo Ballesteros na talagang nakakapanibago ang nangyari, lalupa’t hindi sila sanay na walang audience sa studio ng kanilang show.

"Nakakapanibago na walang nakikitawa at nakikisayaw sa amin na audience.

"Pero nandoon pa naman ang staff namin na nagtatrabaho, so may nakikisabay pa rin naman sa mga kakulitan at kalokohan namin," pahayag ni Paolo sa Cabinet Files.

Ano ang mga hamon sa kanilang hosts ng kawalan ng live studio audience?

Sagot ni Paolo, "Challenge is yung gawing mas lively pa yung pagtatrabaho, kasi malaki yung studio.

"Tapos, walang audience, malamig, at madilim sa audience gallery.

Continue reading below ↓

"Pero mas lumalabas yung mga kakulitan namin kasi kailangang buhay ang show."

Walang idea si Paolo kung kailan papayagan ng TAPE management na muling magpapasok ng audience sa Cainta studio ng Eat Bulaga!, dahil "until further notice" ang narinig niyang update.

Hindi naman naniniwala si Paolo na makakaapekto sa ratings ng Eat Bulaga! ang suspension sa pagpapapasok ng audience sa live telecast ng kanilang programa.

"I don’t think so," sabi ni Paolo.

"Baka nga mas tumaas pa, kasi ang mga tao, mas gugustuhin pa nilang nasa bahay lang at manood ng TV kesa lumabas sila."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Ballesteros (center) on hosting Eat Bulaga! without the studio audience: "Nakakapanibago na walang nakikitawa at nakikisayaw sa amin na audience."
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results