Fake news, panic buying, cancelled events, at iba pang kaganapan sa gitna ng COVID-19 outbreak

by Jojo Gabinete
Mar 11, 2020

Premiere night na kanselado, hindi natuloy na contract signing ng isang aktor, nakanselang mga presscon, story conference, at film festival—ito ang ilan lang sa epekto sa entertainment industry ng balitang nagpositibo sa coronavirus ang ilang kababayan natin.

Pansamantalang isinara nina Gladys Reyes at Christopher Roxas ang Estela, ang restaurant nila sa Cainta para sa disinfection at sanitation.

Pahayag ni Gladys sa kanyang public advisory: “More than just a business, we prioritize safety. We are temporarily closing our Estela restaurant from March 10 to 12 (Tuesday to Thursday) to conduct thorough disinfection and sanitation. We want to make sure our facilities are maintained virus-free.”

Continue reading below ↓

Kumpirmadong nangyayari ang panic buying sa mga supermarket.

Hindi lamang mga pagkain ang iniimbak ng mamimili, dahil wiped out sa shelves ang mga alcohol at anti-bacterial sanitizer.

Kung may good news na hatid ang pangamba sa COVID-19, ito ay ang maluwag na daloy ng trapiko sa EDSA.

Pati na ang pagpa-practice muli ng kalinisan ng ilang mga Pinoy na naging pasaway at nawalan ng disiplina, pero naniniwala na ngayong "truly, cleanliness is next to Godliness."

FAKE NEWS

Samantala, sa text messaging, pinaalalahanan ng isang telecommunications company ang kanilang mga subscriber na mag-ingat sa mga natatanggap na maling impormasyon mula sa mga taong sinasamantala ang sitwasyon.

“Beware of phishing emails and malicious campaigns taking advantage of the COVID-19 situation. Learn more on how to protect yourself from these scams.”

Naging maagap ang ABS-CBN Head of Corporate Communications na si Kane Choa sa pagbibigay ng babala sa publiko tungkol sa fake news na, diumano, magkakaroon ng lockdown sa Metro Manila dahil sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Ang fake news na ito ay ikinalat ng isang tao na nagpakilalang kapatid ng empleyado ng ABS-CBN.

“Walang katotohanan ang kumakalat na private message at text message tungkol sa umano’y paghahanda para sa lockdown.

"Huwag na pong ikalat ang ganitong mensahe na hindi nakakatulong sa publiko," paglilinaw at paalaala ni Kane.

Curious naman ang isang male TV personality sa balitang nasagap niya na positive daw sa COVID-19 ang isang aktres na madalas pumunta sa Europe.

Mahirap itong mapatunayan, maliban na lang kung mismong ang sangkot ang aamin at magsasalita.

May matandang kasabihan na ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili, kaya dapat maging vigilant ang lahat sa mga balitang kumakalat sa gitna ng banta ng COVID-19.

Bago maniwala, magtanong at magsaliksik muna, dahil sa panahon ng modern technology, madali nang matukoy ang fake news at ang totoong balita.

Hindi basta-basta dapat paniwalaan ang lahat ng mga naririnig, napapanood, o nababasa.

Continue reading below ↓

Magandang halimbawa si Mocha Uson, na may government position, pero hindi alam kung bahagi ng "Baguios City" (yes, with a letter S) ang La Trinidad nang bumisita ito sa isang strawberry farm.

At para naman sa mga nagtataka dahil dinadala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City at San Lazaro Hospital sa Maynila ang mga positibo sa COVID-19, pareho ang sagot ng medical personnel na tinanong namin—ang doktor na si Dr. Ronald Allan Payumo ng St. Luke’s Medicine Center at ang nurse na si Tessa Ambrosio Ang ng Fabella Hospital.

Continue reading below ↓

Anila, may kakayahan ang RITM at ang San Lazaro Hospital na gamutin ang mga infectious disease tulad ng COVID-19.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results