Ai-Ai delas Alas at Bela Padilla, didistansiya muna sa fans dahil sa COVID-19

by Jojo Gabinete
Mar 12, 2020
Kabilang sina Ai-Ai delas Alas (kaliwa) at Bela Padilla (kanan) sa mga artistang nagpaalala sa mga tagahanga tungkol sa pagkakaroon ng distansiya at pagpapakuha ng litrato sa gitna ng mga banta dulot ng coronavirus.
PHOTO/S: Instagram

Very relevant word for the week: social distancing.

According to TIME, "social distancing involves remaining out of congregate settings, avoiding mass gatherings, and maintaining distance whenever possible to limit the ability of the virus to spread."

Nang lumabas ang report na may kaso na ng COVID-19 sa Pilipinas, nag-practice na si Ai-Ai delas Alas ng social distancing.

Dumalo ang Kapsuo star sa graduation day ng asawa niya na si Gerald Sibayan sa Subic, Zambales, noong March 10, Martes.

Nasaksihan at narinig namin ang sinabi ni Ai-Ai sa isang female fan na lumapit sa kanya para magpakuha ng litrato na magkasama sila.

Pumayag si Ai-Ai sa photo op request, pero magalang niyang sinabi sa fan na dumistansya sa kanya, lalo pa’t buntis ang babae.

Ang katuwiran ni Ai-Ai, baka maging kawawa ang sanggol na dinadala ng female fan.

Dahil sa panahon ngayon, hindi tayo nakatitiyak kung sino ang wala o may mga sintomas ng kinatatakutan na COVID-19.

Continue reading below ↓

Sabi ni Ai-Ai, "Sana maintindihan nilang hindi nagsusuplada ang mga artista.

"Para rin sa kapakanan ang ginagawa ko na social distancing."

May commitment si Ai-Ai sa Tagaytay City ngayong hapon, March 12, pero sinabi na niya sa producer ng show na iwas muna siya sa mga beso-beso.

BELA PADILLA: NO TO PHOTO OPS for now

Gaya ni Ai-Ai, firm din ang desisyon ni Bela Padilla na huwag munang pagbigyan ang mga humihiling sa kanya ng photo op bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19.

Ibinahagi ni Bela sa social media followers niya ang karanasan nila ng kanyang ina nang magpunta sila sa isang grocery store kahapon, March 11:

"I hope everyone understands when we refuse photos for the time being.

"I was shocked yesterday while at the grocery with my mom, a lady who seemed very kind approached and took her mask off and wanted my mom to take her photo with me.

Continue reading below ↓

"I understand the excitement but safety first.

"Yesterday was the last time I’d blindly say yes to everybody, for now.

"I’m sorry but I need to keep the people around me safe too.

"This pandemic is real.

"Sadly, the only way we can live our lives as normally as possible is to be extra cautious when we can."

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sina Ai-Ai delas Alas (kaliwa) at Bela Padilla (kanan) sa mga artistang nagpaalala sa mga tagahanga tungkol sa pagkakaroon ng distansiya at pagpapakuha ng litrato sa gitna ng mga banta dulot ng coronavirus.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results