Paggawad kina Kathryn at Alden bilang Phenomenal Stars, postponed; Meg Imperial, naka-self quarantine

by Jojo Gabinete
Mar 13, 2020
Postponed na rin ang Box Office Entertainment Awards na gaganapin sana sa March 15. Pararangalan sana rito sina Alden Richards at Kathryn Bernardo (kaliwa) bilang Phenomenal Stars of Philippine Cinema; kanselado naman ang presscon ngayong March 13 ng pelikulang Sana All, na pinagbibidahan nina Meg Imperial at Arvic Tan (kanan).

Postponed until further notice ang 51st Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

Magaganap sana ang awards night sa Linggo, March 15, sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Bago pa idineklara ni President Rodrigo Duterte kagabi, March 12, ang community quarantine sa Metro Manila simula sa hatinggabi ng March 15, nagdesisyon na ang organizer at producer ng 51st Box Office Entertainment Awards na huwag nang ituloy ang awarding ceremony.

Ang Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation ang organizer ng Box Office Entertainment Awards.

Sina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang hihiranging Phenomenal Stars of Philippine Cinema dahil sa phenomenal success ng pelikula nilang Hello, Love, Goodbye ng Star Cinema.

Sina Aga Muhlach at Xia Vigor naman ang pararangalan bilang Box Office King & Queen, respectively, dahil sa sa box-office success ng Philippine adaptation ng Miracle in Cell No.7, ang official entry ng Viva Films sa 45th edition ng Metro Manila Film Festival noong December 2019.

Continue reading below ↓

MEG IMPERIAL IN SELF-QUARANTINE

Nakansela naman ang press conference ng Sana All, na nakatakda sanang maganap ngayong hapon, March 13.

Naka-self quarantine kasi si Meg Imperial, ang lead actress ng bagong movie project ng direktor na si Bona Fajardo.

Kagagaling lamang ni Meg sa Japan dahil dito kinunan ang mga eksena nila ni Ella Cruz para sa Steal, ang pelikulang pinagbibidahan nila.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Bilang precautionary measure laban sa COVID-19, kinansela ang presscon ng Sana All, na may playdate sa cinemas nationwide sa March 25.

Kapareha rito ni Meg ang baguhang si Arvic Tan.

Wala pa rin katiyakan kung matutuloy ang pagbubukas ng Sana All sa mga sinehan sa March 25 dahil sa community quarantine sa Metro Manila na ipinatutupad ng Duterte government.

Inirerekomenda ni Department of Health Secretary Francisco Duque III ang ban sa mga sinehan at pagdalo ng misa sa mga simbahan para makaiwas ang lahat sa banta ng COVID-19.

Nananawagan si Duque na magsakripisyo muna ang lahat dahil kailangang malutas ang health crisis na naghatid ng pangamba sa sanlibutan.

Continue reading below ↓
Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Postponed na rin ang Box Office Entertainment Awards na gaganapin sana sa March 15. Pararangalan sana rito sina Alden Richards at Kathryn Bernardo (kaliwa) bilang Phenomenal Stars of Philippine Cinema; kanselado naman ang presscon ngayong March 13 ng pelikulang Sana All, na pinagbibidahan nina Meg Imperial at Arvic Tan (kanan).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results