Anti-Spitting Act ni Senator Manny Pacquiao, napapanahon ngayong may COVID-19

by Jojo Gabinete
Mar 13, 2020
Ang mapigilan o masugpo ang pagkalat ng COVID-19 ang layunin ni Senator Manny Pacquiao kaya gusto nitong maging batas ang Anti-Spitting Act.
PHOTO/S: @mannypacquiao Instagram

Para sa ilang opinionated Filipinos, mababaw ang panukala ni Senator Manny Pacquiao, ang Anti-Spitting Act of 2020 o Senate Bill 1406 (Act of Prohibiting the Act of Indiscriminate Spitting and Expelling Nasal Mucous in Public Place).

Pero kung iisipin at pag-aaralang mabuti, mahalaga at malaki ang maitutulong ng batas na isinusulong niya para sa kalinisan at kalusugan ng bawat Pilipino.

Simple pero relevant, lalo na sa panahon ngayon ng COVID-19, ang panukala ni Pacquiao.

Kung tutuusin, hindi na ito bago dahil itinuturo ng grade school teachers sa kanilang mga estudyante ang good manners and right conduct, tulad ng hindi pagdura sa mga pampubliko na lugar.

Sadly, may mga nakalimot na sa mga kagandahang-asal.

Matibay na pruweba ang kawalan ng disiplina ng ilang mga Pilipino na dumudura at nagtatapon ng upos ng sigarilyo sa kalsada.

Ang mapigilan o masugpo ang pagkalat ng COVID-19 ang layunin ni Senator Pacquiao kaya gusto nitong maging batas ang Anti-Spitting Act.

Continue reading below ↓

Maisip din sana ni Pacquiao na bigyan ng atensiyon ang wastong pangangalaga sa mga preso o ang mga nakakulong, dahil higit na magiging malaki ang problema kapag sila ang dinapuan ng COVID-19.

Ngayong tag-init, kahabag-habag ang kalagayan ng mga bilanggong nagsisiksikan sa loob ng kulungan kaya mas madali silang kapitan ng mga karamdaman.

SECURITY GUARDS AND THERMAN SCANNER GUN

Sana, bukod sa mga healthcare workers, pahalagahan din ni Pacquiao at ng ibang mga mambabatas ang mga security guard na nadagdagan ang trabaho dahil sa COVID-19.

Dati-rati, iniinspeksiyon lamang ng security guards ang mga bag na dala ng mga pumapasok sa mga building na kanilang pinoproteksyunan.

Pero buhat nang maging malaking banta sa lahat ang COVID-19, para na silang mga medical personnel na may mga hawak na thermal scanner gun para kunin ang body temperature ng mga tao.

Isang lady guard ng Robinson’s Forum ang aming tinanong kung naranasan na ba nila ng kanyang mga kasamahan na awayin ng mga tao na kanilang hindi pinapasok sa loob ng mall dahil may mataas na lagnat.

Continue reading below ↓

"Hindi" ang magalang na sagot ng lady guard.

Nauunawaan daw ng mga tao na ipinatutupad lamang nila ang ipinag-uutos ng mall management.

Ipinaliwanag ng lady guard na kapag mainit ang panahon at mataas ang body temperature ng mga taong gustong pumasok sa mall, ang magpahinga muna ng kahit sampung minuto ang payo nila.

Kung bumaba ang body temperature, pinapapasok nila sa mall ang tao.

Pero kung hindi, ang kumonsulta sa doktor ang kanilang rekomendasyon.

Pagtuuan naman sana ng pansin ng mga building administrator ang mga thermal scanner gun na ipinagagamit nila sa mga security guard.

Base sa aming personal na karanasan, 29 degrees ang nagrehistrong body temperature namin sa thermal scanner gun ng security guard sa ground floor ng building na pinuntahan namin kahapon, March 12.

Sumakay kami sa elevator patungo sa 7th floor ng building.

Nang i-check ng security guard in-charge ang aming body temperature, 35 degrees ang resulta.

Continue reading below ↓

Paano tayo makatitiyak sa tunay na body temperature natin kung magkaiba ang resulta ng mga thermal scanner gun na ginagamit ng security personnel sa magkaibang floor ng same building?

Importante ang accuracy sa bawat instrumentong hawak ng mga security guard para makatiyak na talagang walang lagnat ang mga pumapasok na tao sa establishments na kanilang binabantayan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang mapigilan o masugpo ang pagkalat ng COVID-19 ang layunin ni Senator Manny Pacquiao kaya gusto nitong maging batas ang Anti-Spitting Act.
PHOTO/S: @mannypacquiao Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results