Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Balewala ang "two-seat-apart" seating scheme ng ilang sinehan

by Jojo Gabinete
Mar 14, 2020
Sino nga naman ang gusto pang manood sa sinehan ngayong maraming takot sa COVID-19?
PHOTO/S: pxhere.com

Ipinahinto ng Viva Films at Regal Entertainment Inc. ang shooting ng kanilang mga bagong pelikula bilang pag-iingat laban sa banta na hatid ng COVID-19 dahil ang kapakanan ng mga artista at production crew ang pinahahalagahan nila.

“On behalf of Regal, sadly, we need to postpone all scheduled shootings from March 15 until situation permits or until community quarantine ends or gets lifted. Stay safe everyone, “ ang Instagram post ni Regal Entertainment Inc. executive producer Roselle Monteverde.

Continue reading below ↓

Kinumpirma naman kahapon ni Viva Films producer June Torrejon-Rufino ang desisyon ng management na itigil muna ang shooting ng lahat ng kanilang mga movie project.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nakahanda na ang mga television network sa mga episode ng mga programa na ire-replay nila dahil sa hindi na maiiwasan na pagpapahinto sa tapings ng kanilang mga television series at ibang mga programa.

Tama ang desisyon ng mga television network management na ipahinga ang tapings ng mga television series dahil tumatanggi rin na ang mga may-ari ng bahay na ginagamit na location bilang pag-iingat sa COVID-19.

Bukod sa pagtanggi ng house owners, mismong ang mga artista ng mga television series ang nakiusap sa network management na ipahinto ang tapings alang-alang sa kalusugan at kapakanan ng lahat.

Naglabas ng public advisory ang mga theater owner tungkol sa kanilang two-seat-apart seating scheme at pinatagal na intermission para sa sanitation ng mga cinema nila pero mas makabubuti na ipasara muna ang mga sinehan habang matindi pa ang takot na dala ng COVID-19.

Continue reading below ↓

Afterall, kakaunti na ang mga nanonood ng sine dahil takot nang lumabas ng bahay ang mga tao kaya malaki ang matitipid ng theater owners sa kuryente kung magpapasya sila na isara nang pansamantala ang kanilang mga negosyo.

Balewala rin ang two-seat-apart seating scheme kung mabibilang sa daliri ang mga nanonood ng sine.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino nga naman ang gusto pang manood sa sinehan ngayong maraming takot sa COVID-19?
PHOTO/S: pxhere.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results