Alfred Vargas nanawagan na ipatupad ang Telecommuting Act

by Jojo Gabinete
Mar 14, 2020
Sa panahon ngayon, nararapat daw na ipatupad ang Telecommuting Act para makaiwas sa COVID-19 ang mga empleyado.
PHOTO/S: @alfredvargasofficial

Magbigay ng advance salaries at agahan ang bonuses sa mga empleyado—ito ang panawagan ni Quezon City 2nd District Congressman Alfred Vargas sa lahat ng employer.

“Hindi natin gusto na ma-translate sa kahirapan, taggutom, at kawalan ng access sa healthcare ang banta ng COVID-19," sabi ng actor/politician, "dahil walang spending capacity ang mga breadwinner na mag-provide para sa mga pangangailangan ng kanilang pamilya.”

Para sa mga empleyado ng gobyerno—lalo na ang frontliners—iminungkahi ni Alfred ang maagap na pagbabayad ng suweldo.

"Sana ay mahanapan natin ng paraan na maproseso nang may kaunting kabilisan ang pag-release ng sahod ng government employees, lalo na kung kumpleto ang requirements na kailangan sa kanilang trabaho.”

Sinabi pa nito, "Habang ang virus ay aktibong kumakalat, tulungan natin ang ating mga manggagawa na nagtatrabaho mula sa kanilang mga tahanan.”

Idinagdag ni Alfred na makakatulong sa ekonomiya ang kanyang suhestiyon dahil, ngayon pa lang, nakakaapekto na sa mga may-ari ng negosyo, pati na rin sa mga empleyado, ang nababawasan na demand habang ang pagbaba ng supplies ay maaaring maging dahilan ng pagtaas ng bilihin.

Nagpahayag naman ang karamihan ng mga empleyado sa Metro Manila na handa silang magtrabaho mula sa kanilang mga tahanan, kaya ipinaalala ni Alfred sa mga employers ang Telecommuting Act o Republic Act 11165.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

The Telecommuting Act encourages employers to adopt telecommuting—a work arrangement that allows an employee to work from an alternative workplace with the use of telecommunication and/or computer technologies.

Naging batas ang Telecommuting Act noon pang December 20, 2018.

Pinirmahan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte. In-announce ang pagiging batas nito nung January 10, 2019.

“Being financially capable in times like this will help our battle against COVID-19," sabi ni Congressman Alfred na isa sa mga authors ng batas.

"We should ensure that people will keep their purchasing power alive, allowing them to provide nutritious meals for their families to boost their immune system, and has the ability to immediately consult with doctors when someone in the family falls ill."

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa panahon ngayon, nararapat daw na ipatupad ang Telecommuting Act para makaiwas sa COVID-19 ang mga empleyado.
PHOTO/S: @alfredvargasofficial
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results