Imortal na si Cardo Dalisay, di umubra sa COVID-19

by Jojo Gabinete
Mar 14, 2020
Pansamantalang magpapahinga muna si Coco Martin, a.k.a. Cardo Dalisay ng Ang Probinsyano, dahil sa banta ng COVID-19.
PHOTO/S: Ang Probinsyano (ABS-CBN)

Hindi matutuloy ang 1st Metro Manila Summer Film Festival sa April 11, 2020 dahil sa COVID-19 pandemic kaya tinitingnan kung maaaring idaos sa June 2020 ang naudlot na film festival.

Kung ang mga movie producer ng walong official entries ang tatanungin, ang napipisil nilang perfect playdate para sa 1st Metro Manila Summer Film Festival ay June 12.

Pero mangyayari lamang ito kung makikiisa ang theater owners, na ang priority ay ang pagbubukas sa mga sinehan sa June 3 ng Wonder Woman 1984, ang sequel ng Wonder Woman movie na pinagbibidahan ni Gal Gadot.

As of presstime, tuloy na tuloy ang playdate ng Wonder Woman sa June sa kabila ng mga malalaking pagbabago sa entertainment industry sa buong mundo dahil sa COVID-19.

Meanwhile, si Coco Martin sa local stars ang isa sa mga makikinabang sa suspension ng taping ng mga television series ng ABS-CBN dahil mararanasan na niya ang tunay na pahinga.

Continue reading below ↓

Limang taon na sa ere ang Ang Probinsyano, at limang taon na rin na tuluy-tuloy ang pagtatrabaho ni Coco, kaya naging immortal na rin ang Cardo Dalisay character niya na hindi umubra sa banta ng COVID-19.

Ang mga defunct top-rating programs ang pansamantalang mapapanood sa primetime slot ng ABS-CBN habang walang katiyakan kung kailan malulutas ang problema sa corona virus.

Kung ang mga dating programa rin ang ipapalit ng GMA-7 sa mga kasalukuyang teleserye habang nakahinto ang taping ng kanilang mga primetime show, ang original version ng Encantadia ang suggestion ng fans dahil natatandaan pa nila ang ingay at popularidad na nilikha ng telefantasya ng Kapuso Network noong 2005.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pansamantalang magpapahinga muna si Coco Martin, a.k.a. Cardo Dalisay ng Ang Probinsyano, dahil sa banta ng COVID-19.
PHOTO/S: Ang Probinsyano (ABS-CBN)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results