Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

COVID-19 outbreak, may positibong epekto sa pamilya at kalikasan

by Jojo Gabinete
Mar 14, 2020
PHOTO/S: FREEPIK

Ngayong Sabado, March 14, ang 36th birthday ng Kapuso actor na si Paolo Contis.

Pero hindi siya nagkaroon ng pagdiriwang dahil nanatili lamang sila ni LJ Reyes at ng kanilang mga anak sa bahay bilang precautionary measure laban sa COVID-19.

May nararamdamang lungkot si Paolo dahil naapektuhan ng COVID-19 ang trabaho ng lahat, pero nakita niya ang kahalagahan ng pagsasama-sama ng pamilya sa panahon ng matinding pagsubok.

Continue reading below ↓

REALIZATIONS

Nang ideklara ang community quarantine sa Metro Manila, pag-aalala at takot ang pinairal ng mga Pilipino.

Normal lang ito dahil maninibago sila sa bagong routine ng kanilang mga pamumuhay.

Pero kung gugustuhin nilang mangibabaw ang positivity, na puwedeng-puwede naman, magkakaroon sila ng realization na bukod sa bumabalik na closeness ng bawat miyembro ng pamilya, maraming magagandang bagay ang maidudulot ng pananatili sa loob ng tahanan, at mga simple pero mga importanteng aral na matutunan mula sa COVID-19.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Mabibigyan nila ng pansin ang mga maliliit na bagay na dating hindi pinahahalagahan dahil ang pagtatrabaho ang kanilang priority.

Napuna natin ang maluwag na traffic situation sa EDSA at sa ibang mga major thoroughfare sa MetroManila.

Ito ay dahil nabawasan na ang mga bilang ng mga sasakyan mula nang makumpirmang may mga kaso na ng COVID-19 sa Metro Manila.

Kapag konti lang ang mga sasakyan sa kalsada, nababawasan ang usok na nakakatulong sa healing ng planet Earth na masyado nang inaabuso ng mga tao.

Continue reading below ↓

Totoong malaki ang epekto sa tourism industry ng Pilipinas ng COVID-19, pero nakatulong ito para “makapagpahinga” ang mga isla ng Boracay, El Nido, at ibang mga beach resort.

Dahil ito sa pag-alis ng mga turista na nag-uunahang bumalik sa Metro Manila at makauwi sa kani-kanilang mga bansa para hindi sila ma-stranded sa Pilipinas kapag ipinatupad na ang community quarantine.

GOD'S REMINDER

Mula nang pumasok ang 2020, sunud-sunod ang mga malalaking problemang naranasan ng buong mundo, at ang COVID-19 ang pinakamatindi.

20/20 vision ang tawag sa normal na linaw at talas ng mga mata.

Kung ikukumpara ito sa mga nangyayari ngayong 2020, hopefully, nalilinawan na ang isip ng lahat sa mga dapat gawin para maging ligtas ang ating ginagalawang mundo.

At tulad ng sinabi ni Arnell Ignacio, tinatapik lamang tayo ng Diyos dahil masyado nang naging matalino ang mga tao.

Ipinapaalaala lamang Niya na Siya pa rin ang pinakamatalino sa lahat.

Continue reading below ↓

Kung paiiralin natin ang pananampalataya sa lumikha sa ating lahat, wala tayong dapat ikabahala sa mga pagbabagong magaganap.

Kung kailangang bumalik sa simula—back to basics—para sa ikabubuti at ikaliligtas ng sanlibutan, so be it.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: FREEPIK
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results