Ito ang aming mga nasaksihan sa unang araw ng community quarantine...

by Jojo Gabinete
Mar 15, 2020

Ngayong Linggo, March 15, ang unang araw ng pagpapatupad ng pamahalaan sa community quarantine sa Metro Manila.

Ramdam na ramdam namin ito nang lumabas kami kaninang umaga, dahil tahimik at walang trapik sa EDSA kaya parang napaaga ang Holy Week.

Nakita naming halos walang sakay na pasahero ang mga bus na pumapasada.

Malayung-malayo ito sa dating scenario na halos magkapalitan na ang mga mukha ng mga commuter dahil para silang mga sardinas na nagsisiksikan sa loob ng lata.

At bilang kakaunti ang bilang ng mga sasakyan sa EDSA, hindi mausok, kaya maaliwalas ang paligid at mapapansin ang asul at puti na kulay ng langit.

Truly, nagsimula na ang healing ng Inang Kalikasan dahil nagkaroon ng disiplina ang mga Pilipino na naalarma nang husto sa COVID-19.

PUBLIC'S INITIAL REACTION

Negatibo ang unang reaksiyon ng ilang mga Pilipino nang ideklara ni President Rodrigo Duterte ang community quarantine sa Metro Manila.

Ito ay dahil sa mga checkpoint na ilalagay at mamanmanan ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Continue reading below ↓

"Martial law" ang agad inisip ng ilang kababayan natin, hanggang sa mapagtanto nilang global ang assault ng COVID-19.

TRAFFIC SITUATION

Ayon sa driver namin patungo sa Robinson’s Galleria nitong Linggo ng umaga, tumagal lamang ng 20 minutes ang kanyang biyahe mula sa Parañaque City hanggang sa Cubao, Quezon City, dahil sa maluwag na daloy ng trapiko sa EDSA.

Nadaanan daw ng Grab driver ang mga checkpoint na masusing binabantayan ng PNP at AFP personnel.

Lumikha nga lang ng trapik dahil, sa pamamagitan ng mga hawak na thermal scanner gun, isa-isa nilang tinitingnan ang body temperature ng mga motorista at pasahero.

Bukod sa thermal scanner gun, kinukuha rin ng mga nakabantay sa mga checkpoint ang blood pressure ng mga dumaraan na tao.

Sabi ng Grab driver, "Wala po tayong dapat ikatakot sa mga pulis at military na nakabantay sa mga checkpoint dahil magagalang at mababait sila.

"Sinisiguro rin nilang walang lagnat o hindi masama ang pakiramdam ng mga tao na lumalabas at pumapasok sa Metro Manila."

Continue reading below ↓

Inamin ng Grab driver na humina ang kanyang kita, pero nakatitiyak daw siyang ligtas ang pamamasada niya.

SITUATION AT THE MALL

Ang Robinson’s Galleria ang aming pinuntahan, at gaya ng mga nakabantay sa mga checkpoint, mahigpit ang security guard ng mall sa pagsusuri ng body temperature ng lahat ng pumapasok.

Nang pumasok kami sa Robinson’s Galleria, ang aming siko ang ginamit namin sa pagbubukas ng nakasarang pintuan, at ganito rin ang ginawa ng ibang mall visitors.

Kung hindi pa nagkaroon ng banta ng COVID-19 sa Pilipinas, patuloy na ipagwawalang-bahala ang silbi ng siko, na ginagamit lamang madalas sa pananakit o paniniko ng kapwa.

Dahil sa COVID-19 scare, nadiskubre nating useful ang siko, pati na ang ating mga balikat, sa pagbukas at pagtulak ng pinto.

Normal na normal ang sitwasyon sa Robinson’s Galleria, lalo na sa supermarket nito dahil wala kaming nakitang nagaganap na panic buying.

Kumpleto ang supplies sa supermarket at hindi mahaba ang pila sa mga cashier.

Continue reading below ↓

Maling-mali talaga ang naging attitude ng mga Pilipino na piniling mag-panic at nag-unahang pumunta sa mga supermarket at grocery nang madeklara ang community quarantine.

Dahil sa COVID-19 scare, naging conscious sa kalinisan ang mga Pilipino dahil kung hindi nilalagyan ng tissue, pinapahiran muna nila ng alcohol ang mga handle ng supermarket pushcart.

May banta man ng COVID-19 o wala, magtuluy-tuloy sana ang disiplina at pagkakaisa ng mga Pilipino para sa ikauunlad ng bayan.

Aminin man natin o hindi, ang mga Pilipino ay isa sa mga pinaka-spoiled at pinaka-reklamador na nilalang sa buong mundo.

Kahit may mga batas na dapat sundin, ang kagustuhan nila ang kanilang pinipilit na masunod—isang ugali na dapat nang tuldukan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results