11 things to do inside your house while in community quarantine

by Jojo Gabinete
Mar 15, 2020
PHOTO/S: Netflix / Heart Evangelista Instagram

Hindi lamang family bonding ang puwedeng gawin sa loob ng tahanan habang ipinatutupad ang community quarantine.

Ito rin ang magandang pagkakataon para patibayin ang personal na relasyon sa Diyos.

Kahit pansamantalang ipinahinto ang mga misa sa mga simbahan dahil sa banta ng COVID-19, maaaring makinig at manood ng live streaming ng Holy Mass sa Facebook page ng Radyo Veritas.

Mula Lunes hanggang Linggo ang Holy Mass na may mga oras na 6 a.m., 12 noon, at 6 p.m., na live na mapapanood mula sa Our Lady of Veritas Chapel sa West Avenue, Quezon City.

May live streaming din sa Facebook at YouTube ang worship services ng iba’t ibang Christian communities, na ipinatigil muna ang pagsamba sa kanilang mga fellowship centers dahil din sa COVID-19.

Sa mga ganitong pagkakataon at sitwasyon, importante ang sama-samang pagdarasal at pagpupuri sa Diyos dahil, sabi nga, "The family that prays together, stays together."

Besides, sa panahong ipinagbabawal ng mga lider ng simbahan ang mass gatherings, hindi tayo obligadong magsimba.

Continue reading below ↓

Mas mahalagang nasa puso natin ang Panginoon at naniniwala tayo sa Kanyang mga ginagawang himala, na ipinagsigawan noon ni Elsa: "Ang himala ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat!"

THINGS TO DO WHILE IN QUARANTINE

Isang buwan ang community quarantine kaya magsasara ang mga mall at ibang business establishments.

Pero maraming paraan upang hindi mabagot habang nananatili sa loob ng pamamahay.

Tingnan ang mga sumusunod:

1. Kahit walang season ng spring sa Pilipinas—na wet and dry lang ang nalalaman—hikayatin ang lahat ng miyembro ng pamilya na mag-spring cleaning sa bahay dahil wala nang sasarap pa sa pakiramdam na malinis ang apat na sulok ng tahanan.

2. Dahil sarado ang mga sinehan, ang panonood ng Netflix ang pagbuntunan ng pagkabagot.

Pero pairalin ang pagiging responsible viewer at citizen. Huwag payagan ang mga batang manood ng pelikulang pangmatanda ang classification.

3. Kung praning kang lumabas ng bahay para pumunta sa parlor, libreng mapapanood sa YouTube ang wastong paraan ng pagkukulay ng buhok, paggugupit ng kuko, pagpapahid ng nail polish, at iba pa.

Continue reading below ↓

Mabibili sa mga drug stores ang mga organic hair dye shampoo sa murang halaga na P50.

4. Para sa mga mami-miss ang pagdalaw sa kanilang dermatologist at facialist, mapapanood din sa YouTube ang tamang paraan ng pag-prick ng pimples.

Mabibili sa drug store sa reasonable price na P45 ang blackhead at whitehead remover.

Siguraduhing pahiran muna ng alcohol ang stainless instrument para hindi magkaroon ng impeksyon habang tinatanggal sa mukha ang mga pesteng blackhead at whitehead.

Aanhin mo ang makinis na mukha kung nakaligtas ka nga sa coronavirus, pero natetano ka naman dahil sa pagiging salaula?

5. Sanayin ang sariling i-appreciate ang kapaligiran at ang mga likha ng Diyos tulad ng ibon, bulaklak, puno, langit, araw, at buwan.

Subukang gumising nang maaga, sumilip sa bintana, at tumingala sa langit tulad nang ginawa ni Juliet, ang karakter ni Vilma Santos sa 1989 Regal Films movie na Pahiram ng Isang Umaga.

Hindi sumilip sa bintana si Juliet, pero naglakad siya sa tabing-dagat, tumingala sa kalawakan, at nag-dialogue ng "Ang ganda ng mundo… ang sarap mabuhay," bago siya binawian ng buhay sa mga bisig ni Eric Quizon.

Continue reading below ↓

6. Para sa mga addict sa Facebook, huwag nang magpaloko sa fake news. I-unfollow ang mga kaibigan na mahilig mag-post ng mga balita mula sa fake sources.

7. I-unfollow o i-block ang mga taong ginawa nang bisyo ang mag-rant sa social media na parang wala nang magagandang nangyayari sa kanilang mga buhay.

Malakas makaimpluwensiya, mentally at emotionally, ang mga toxic friends, lalo na kung pinipilit ng lahat maging positibo sa buhay sa gitna ng panganib na dala ng COVID-19.

8. I-block o i-unfollow ang mga plastic na kaibigan. Period.

9. Subukang baguhin ang ayos ng living room at bedroom.

Kahit hindi masyadong proven, paniwalaan ang kasabihang nagbabago ang suwerte at kapalaran ng tao kapag binabago nila ang puwesto ng mga kagamitan.

Walang mawawala sa atin kung sundin ang kasabihang ito.

Pero kung hindi pa rin kayo makuntento, something’s wrong with you. Seek immediate professional help.

10.Gawing inspirasyon si Heart Evangelista at ang kanyang mga do-it-yourself facemask. Pero huwag siyang tularan sa paggamit ng Hermes ribbon mula sa paperbag ng brand para hindi kayo makasuhan ng infringement.

Continue reading below ↓

11. Puwedeng sundin ang sinabi ni President Rodrigo Duterte na magsayawan na lang tayo nang magdeklara siya ng community quarantine.

Pero di hamak mas malakas ang dating ng patriotism na ipinamalas ng mga Italians na nakatira sa high-rise buildings.

Sabay-sabay nilang inaawit ang kanilang national anthem tuwing ala-sais ng gabi bilang pagpapakita ng pagkakaisa sa laban ng bansa sa unseen enemy na COVID-19. Viva Italia!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Netflix / Heart Evangelista Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results