Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Avengers actor Idris Elba, positibo sa COVID-19; Tom Hanks at Rita Wilson, nakalabas na sa hospital

by Jojo Gabinete
Mar 17, 2020
Inanunsiyo ni Idris Elba (kaliwa) na positibo siya sa COVID-19, sa isang video sa Twitter; samantala, nakalabas na ang mag-asawang Tom Hanks at Rita Wilson (kanan) sa hospital isang linggo matapos magpositibo rin sa COVID-19.

Positive sa coronavirus ang Avengers actor na si Idris Elba, 47.

Ito ang ipinagtapat niya sa publiko sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.

Pahayag niya: “So look, this morning I got some test results back for coronavirus and it came back positive. Yeah, and it sucks.

“Listen, I’m doing okay. Sabrina [his wife] hasn’t been tested and she’s doing okay.

“I didn’t have any symptoms. I got tested because I realized I was exposed to someone who also tested positive.

“I found out last Friday that I tested positive. I quarantined myself and got tested immediately. I got the result back today.”

Pinayuhan ni Idris ang lahat na mag-ingat.

“Look, this is serious. Now is the time to really think about social distancing, washing your hands. Beyond that, there are people out there who aren’t showing symptoms and that could easily spread it.

“So now’s a real time to be really vigilant about washing your hands and keeping your distance.

Continue reading below ↓

“We told our families, they’re very supportive. We told our colleagues and you know, transparency is probably the best thing for this right now.

“If your’re feeling ill or you feel like being tested or you’ve been exposed, do something about it. It’s really important.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Hiniling din ng British actor ang pagkakaisa ng bawat isa, at nagbitaw siya ng salita na magbibigay ng update sa kanyang kalagayan.

“We live in a divided world right now, we can all feel it, it’s been bullshit.

"But now’s the time for solidarity, now’s the time for thinking about each other."

Continue reading below ↓

Si Idris ang gumanap bilang Heimdell sa Thor at Avengers movies.

TOM HANKS & RITA WILSON OUT OF HOSPITAL

Samantala, nakalabas na sa isang Queensland hospital sa Australia ang mag-asawang Hollywood stars na sina Tom Hanks at Rita Wilson, isang linggo matapos silang magpositibo sa COVID-19.

Ayon sa report ng CNN, sa kasalukuyan ay naka-self-quarantine sina Tom at Rita sa kanilang tinitirhan sa Australia.

Noong nakaraang linggo ay inanunsiyo ni Tom na nagpositibo sila ni Rita sa COVID-19.

Nasa Australia ang mag-asawa para sa pre-production ng untitled Elvis Presley movie, kung saan gagampanan ni Tom ang papel ng manager ng legendary rock n' roll singer na si Colonel Tom Parker.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inanunsiyo ni Idris Elba (kaliwa) na positibo siya sa COVID-19, sa isang video sa Twitter; samantala, nakalabas na ang mag-asawang Tom Hanks at Rita Wilson (kanan) sa hospital isang linggo matapos magpositibo rin sa COVID-19.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results