Love Thy Woman co-stars ni Christopher de Leon, kaagad kumonsulta sa doktor

by Jojo Gabinete
Mar 17, 2020
Kaagad na kumonsulta sa kani-kanilang mga doktor ang cast ng ABS-CBN drama series na Love Thy Woman, matapos ianunsiyo ni Christopher de Leon na nagpositibo siya sa COVID-19.
PHOTO/S: Dremascape Instagram / ABS-CBN

Bumuhos ang mga dasal at get-well-soon messages para kay Christopher de Leon, ilang minuto matapos ang kanyang pag-amin ngayong gabi, Marso 17, na nagpositibo siya sa COVID-19.

Si Christopher, 63, ang kauna-unahang showbiz personality na umaming afflicted siya ng coronavirus.

Dahil sikat na artista, marami ang hindi makapaniwala. Nakalimutan yata nilang tao lamang si Christopher na nagkakasakit, at hindi ligtas sa COVID-19, kahit ano ang gawing pag-iingat.

Tama ang desisyon ni Christopher na ipaalam sa publiko ang kanyang kalagayan dahil nabigyan ng babala ang mga taong nakasalamuha niya sa mga nakaraang araw.

Mabilis na nakarating sa Love Thy Woman co-stars ni Christopher ang malungkot na balita, kaya kumonsulta agad sila sa kanilang mga doktor.

Mag-self-quarantine ang payo ng mga doktor.

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, dalawa hanggang labing-apat na araw pagkatapos ng exposure ang incubation period ng novel coronavirus.

Nag-taping ang cast para sa mga eksena ng ABS-CBN series na Love Thy Woman noong nakaraang linggo, kaya gumawa agad sila ng precautionary measures nang isiwalat ngayon ni Christopher na positibo ito sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Sina Kim Chiu, Xian Lim, Eula Valdes, Zsa Zsa Padilla, Sunshine Cruz, Ruffa Gutierrez, at Yam Concepcion ang ilan sa mga artista ng star-studded cast ng Love Thy Woman.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kaagad na kumonsulta sa kani-kanilang mga doktor ang cast ng ABS-CBN drama series na Love Thy Woman, matapos ianunsiyo ni Christopher de Leon na nagpositibo siya sa COVID-19.
PHOTO/S: Dremascape Instagram / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results