Morning shows at news programs, may pagbabago dahil sa COVID-19

by Jojo Gabinete
Mar 19, 2020
PHOTO/S: Imstagram

Hindi na umere kahapon, March 18, ang morning show ng ABS-CBN na Umagang Kay Ganda dahil sa banta ng COVID-19.

Habang hindi napapanood ang Umagang Kay Ganda, ang DZMM Teleradyo ang mapapanood sa timeslot ng pang-umagang programa ng Kapamilya Network.

Kung pansamantalang magpapahinga ang Umagang Kay Ganda, patuloy namang mapapanood sa telebisyon ang rival show nito, ang Unang Hirit ng GMA-7.

Continue reading below ↓

Ayon sa isang Unang Hirit insider, hindi pa sila nakakatanggap ng abiso mula sa Kapuso management tungkol sa magiging kapalaran ng kanilang morning program.

Pero marami ang nagulat at natuwa nang mapanood ang Unang Hirit noong Linggo, March 15.

Sa kauna-unahang pagkakataon, napanood sa araw ng Linggo ang 20-year-old morning show ng GMA-7 dahil sa special coverage nito ng Metro Manila quarantine.

Continue reading below ↓

IYA VILLANIA-ARELLANO

Buntis si Iya Villana-Arellano sa pangatlong anak nila ni Drew Arellano, kaya hindi na siya lumalabas ng tahanan bilang pag-iingat laban sa COVID-19.

Si Iya ang anchor ng showbiz segment ng 24 Oras na "Chika Minute."

Work from home ang naging solusyon para tuluy-tuloy ang paghahatid niya ng showbiz news sa primetime news program ng GMA-7.

Napanood si Iya sa 24 Oras kagabi habang naghahatid ng balita mula sa tahanan nila ni Drew.

GMA NEWS TV GOES OFF THE AIR

Ibinalita naman ni Jessica Soho sa 24 Oras na simula ngayong araw, March 19, off the air muna ang GMA News TV (Channel 27), ang news channel ng GMA Network.

Ngunit tuluy-tuloy ang paghahatid ng balita ng GMA News sa GMA-7.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Imstagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results