QC Vice Mayor Gian Sotto, nakatanggap din ng pamba-bash; Mayor Joy Belmonte, may mensahe sa detractors

by Jojo Gabinete
Mar 20, 2020
Pinupuntirya ngayon ng bashers ang mayor at vice mayor ng Quezon City na sina Joy Belmonte at Gian Sotto, ngunit naninindigan ang dalawang lider na ginagawa nila ang kanilang trabaho sa gitna ng pakikipaglaban ng kanilang lungsod sa COVID-19 pandemic.
PHOTO/S: Instagram

“God bless you and your family” at “If you want to see action, go to our official Quezon City Government FB Page. All the action is there."

Sagot ito ni Quezon City Vice Mayor Gian Sotto sa mga bashers nila ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Maganda ang intensyon ni Gian nang ipagtanggol si Mayor Joy laban sa akusasyong hindi nararamdaman ng mga taga-Quezon City ang kanilang alkalde, pero napagdiskitahan din siya ng discontented residents ng siyudad.

Continue reading below ↓

Pinagbintangan si Gian na hindi rin nararamdaman ang presence nito, at matindi ang pagkukumpara sa kanila ng pinsan niyang si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Ito ay kahit hindi nagkukulang si Gian sa posting sa kanyang social media pages ng mga litrato at video ng pagtulong na ginagawa nila ni Belmonte sa kanilang constituents.

Continue reading below ↓

Si Gian ay nag-iisang anak na lalaki nina Senate President Tito Sotto at Helen Gamboa.

Si Vico ay anak ni Vic Sotto, kapatid ni Tito, sa aktres na si Coney Reyes.

MAYOR JOY ADDRESSES DETRACTORS

Samantala, hindi pinalampas ni Mayor Joy ang mga batikos na mahina raw ang kanyang liderato dahil ang Quezon City ang may pinakamataas na bilang ng mga taong positibo sa COVID-19 sa Pilipinas.

Ginamit din ng mayor ang Facebook page nito para isa-isahin ang mga serbisyo at precautionary measures na ginagawa ng kanyang administrasyon para labanan ang COVID-19.

Klarong-klaro at diretsahan din ang mensahe ni Mayor Joy sa kanyang detractors:

"To the few who still believe in me, I told you I would never let you down and I won’t.

"I will fight for you, until together we vanquish this virus. Just as you fought for me when all the people who don’t understand how I work and think abandoned and denigrated me. Thank you for your continued trust and confidence.

Continue reading below ↓

"To those who hate me, you are under no obligation to accept any of my projects - housing, education, healthcare, social benefits. That means there will be more for those who truly have faith in me as their leader.

"But please just show your hatred for me at the polls in 2022 because the people who want to be served and patiently wait for it don’t deserve for their lives and that of their families to be politicized.”

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinupuntirya ngayon ng bashers ang mayor at vice mayor ng Quezon City na sina Joy Belmonte at Gian Sotto, ngunit naninindigan ang dalawang lider na ginagawa nila ang kanilang trabaho sa gitna ng pakikipaglaban ng kanilang lungsod sa COVID-19 pandemic.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results