FINDING MAYOR Update: Present ba ang mayors ng Mandaluyong, San Juan, Marikina, Valenzuela?

by Jojo Gabinete
Mar 20, 2020
(L-R) Mandaluyong Mayor Menchie Abalos, San Juan Mayor Francis Zamora, Marikina Mayor Marcy Teodoro, and Valenzuela Mayor Rex Gatchalian.
PHOTO/S: Facebook / Instagram

Sa mga interesadong malaman ang ginagawang hakbang ng ibang Metro Manila mayors kaugnay ng kinahaharap na COVID-19 crisis ng Pilipinas, ito ang mga nakalap na impormasyon ng Cabinet Files...

MANDALUYONG CITY

As of March 19, sampu na ang COVID-19 positive sa Mandaluyong; 334 ang bilang ng persons under monitoring (PUM), at 22 ang persons under investigation (PUI).

Ito ay ayon kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos.

Hinihikayat naman ni Abalos kanyang mga kababayang magdasal ng Holy Rosary tuwing alas-nuwebe ng gabi.

Ipinangako rin ni Abalos ang paghahatid sa bawat barangay ng mga grocery pack.

SAN JUAN CITY

Sa San Juan City, ibinalita ni Mayor Francis Zamora na may mga bus na libreng masasakyan ng healthcare workers, pulis, military, at essential personnel para hindi sila mahirapang makarating sa trabaho at makauwi nang maluwalhati sa kanilang tahanan.

Muling ipinaalaala ni Zamora sa lahat ng kanyang mga nasasakupan na manatili sa bahay para hindi kumalat ang COVID-19.

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan, may 26 confirmed cases sa San Juan: 2 ang namatay, 72 ang PUI, at 89 ang PUM.

MARIKINA CITY

Kung marami ang nagsasabing gusto nilang magpa-ampon sa Pasig City dahil sa maayos na pamamalakad ni Mayor Vico Sotto, may mga nangangarap ding lumipat sa Marikina City.

Ito ay dahil bilib na bilib daw sila sa paglilingkod ni Mayor Marcy Teodoro, na bumili na ng machine kaya may sariling molecular laboratory ang kanilang siyudad para sa COVID-19 testing.

Mukhang Ipinagmamalaki si Mayor Teodoro ng mga kababayan niya dahil sa husay ng serbisyo sa panahong matindi ang health crisis sa buong mundo.

VALENZUELA CITY

Gaya ni Teodoro, tila mahal na mahal si Mayor Rex Gatchalian ng constituents niya sa Valenzuela City.

Ito ay dahil daw sa mga tulong na kanyang ibinibigay at ordinansang ipinatutupad para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Automated at hindi na mano-mano ang COVID-19 contact tracing system na ginagamit ng Valenzuela City Epidemiology and Surveillance Unit.

Continue reading below ↓

Namamahagi rin ng food vouchers at food packs para sa mahihirap na residente ng Valenzuela.

May pakiusap lang si Gatchalian sa mga may alagang aso.

Kuwento niya, "May 2 babae na nag-aantay sa akin sa City Hall.

"Nahuli sa curfew...nakikiusap ma-waive ang ticket...ang rason nila kaya sila lumabas, nag-iingay ang aso at dapat ilabas na!!!!

“Alam ko we love our pets pero I think maiintindihan naman ni Bantay na sa mga panahon na eto hindi siya pwede lumabas...

"Trust me, dogs are intuitive, the last thing they want is to put their master friend in harm's way...

"I have a dog. All my life I've had dogs.They know when danger is near..."

IN QUEZON CITY...

Samantala, nagpositibo sa COVID-19 ang residente ng isang exclusive subdivision sa Quezon City kaya nagdeklara ng complete lockdown ang association president doon.

Pinagbawalan ang mga nakatira sa exclusive subdivision na lumabas ng bahay, mag-jogging at, higit sa lahat, makipagtalo sa mga security guard na nagpapatupad ng mga ordinansa.

Continue reading below ↓
Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Mandaluyong Mayor Menchie Abalos, San Juan Mayor Francis Zamora, Marikina Mayor Marcy Teodoro, and Valenzuela Mayor Rex Gatchalian.
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results